President Benigno Simeon Aquino III:
Berdugo ng mga Senior SSS Pensioners
Isa
sa naging mainit na isyu sa Linggong ito ay ang pag-veto ni President Benigno
Simeon Aquino III sa isang Bill na ipinasa ng senado at kongreso na magdaragdag
sana sa tinatanggap na kakarampot na pension ng ating mga senior SSS
pensioners. Mistula itong “palakol” na
ipinang-pugot ni P-Noy sa ulo ng mga naghihingalong senior SSS pensioners na umaasa
ng “mercy and compassion” sa kanya.
Kung sa Mamasapano Massacre ay si President Noynoy Aquino ang “proximate cause” sa kamatayan ng SAF
44 na kanyang ipinagkanulo at hinayaang mamatay na hindi nasasaklolohan sa kamay
ng mga brutal na rebelde at teroristang kanyang kasiping at kaulayaw, sa pagkakataong
ito ay si P-Noy rin ang nagsilbing “berdugo”
ng mga kawawa at naghihirap nating senior SSS pensioners. Ito ay senyales na
wala nga sa sariling katinuan ang naging lider natin. Lalo rin itong nagpatibay
na siya na nga ang “pinaka-manhid,
pinaka-inutil, at pinaka-tangang presidente sa kasaysayan ng Pilipinas.” Bakit
ko po nasabi ito mga kabalat at kababayan ko? Alamin po natin ang sitwasyon at
himayin ang pagkatao ni P-Noy Aquino.
Una, taong 2011 pa raw po pinagdedebatihan,
hinihimay at pinag-aralan ang pagtataas ng SSS pension sa mga kawawa nating mga
senior pensioners sa ating kongreso. Dito ay natuklasan ng ating mga mambabatas
na 70 % pala ang hindi nakokolektang SSS sa preniums sa mga delinquent employers
which means, mga inutil ang mga nanunungkulang opisyales sa Social Security
System at ang tanging alam ay ang pagtataas ng buwanang SSS preniums, at bigyan
ang kanilang sarili ng milyon-milyong bonuses and other incentives and
benefits. Sobra-sobra rin ang mga opisyales sa SSS kung saan ayon sa report
(ABS-CBN thru Ted Failon’s radio program) na sa posisyon pa lang ng pag kavice
president ng SSS ay bumibilang na ng labing-amim (16). Indikasyon ito na sila mismong
mga opisyal ng SSS ang mistulang “linta na
sumisipsip sa pondo” na pinaghihirapan ng mga SSS members. Ganoon man, ang kanilang efficiency
sa pagpapatakbo at panunungkulan ay below average, kumpara sa iba nating kalapit
na bansa. Ang facts bang ito ay alam o inaalam ni P-Noy? Meron ba siyang sariling
pag-aaral o pagtaya sa ganitong sitwasyon? Kung meron, ano ang kanyang ginawa o
sinabi sa mga SSS officials? Pinagalitan ba niya ang mga ito dahil sa kanilang kainutilan?
Tinuruan ba niya ang mga ito ng gagawin at sinibak niya sa puwesto ang mga
incompetent na opisyales ng naturang ahensiya.
Ikalawa,
meron palang batas na nag-aatas sa ating gobyerno na bigyan ng kaukulang
subsidy ang SSS, na hindi ginagawa ng administrasyon ni P-Noy. Kung sa ibang bansa
ay kasama ito sa kanilang programa, tila ang lider ng ating gobyerno sampu ng kanyang
mga alipores ay iba ang takbo ng isip. Nakalimutan yata ng mga hinayupak na ito
na bagamat sa mga pribadong manggagawa nagmumula ang pondo ng SSS, ang mga
members nito ay taong bayan rin at tungkulin ng gobyerno na siguruhin ang
welfare and security nito para pangalagaan. Isa ito sa kadahilanan na hindi
kailaman maaaring ma-bankrupt ang SSS na gaya ng mga kasinungalingang ipinangangalandakan
ng mga SSS officials. Alam ba ito ni P-Noy? Gumawa ba siya ng sarili niyang pagtaya
o pag-aaral tungkol dito?
Kung
ating tutumbukin ang Conditional Cash Transfer (CCT) na isa ring programa ng gobyerno
para sa ating naghihirap na mamamayan, ito po ay pinopondohan ng administrasyon
ni P-Noy ng bilyon-bilyong piso. Katunayan, mula nang ipagpatuloy ni P-Noy ang programang
ito ni ex President Gloria Macapagal-Arroyo, lumobo po ito ng lumobo sa
proportion na nakakalula. Kung si P-Noy ay nagagawang magkaloob ng “libreng pension” sa mga naghihirap nating
mamamayan, bakit hindi siya makapagbigay
ng kaukulang subsidiya sa mga senior SSS pensioners na nakahanay na rin sa mga naghihirap
dahil sa kakarampot na 1,500 hanggang 2,000 nilang natatanggap. Ito ba ay
realistic pa o nasa reyalidad ng buhay para maka-survive sila sa panahong ito?
Kung tutuusin, mas nakapag-ambag ng malaki sa ating ekonomiya at pamahalaan ang
mga senior SSS pensioners noong panahong produktibo pa sila at nakapaghahanap-buhay
kaysa sa mga CCT beneficiaries na walang ginawa kung hindi umasa sa limos at
tulong ng gobyerno, magparami ng anak at umistambay. Katunayan ang CCt ay isa
pa sa pinagmumulan ng katiwalian kung saan ang ibang beneficiary nito ay hindi
naman karapat-dapat tumanggap pero nabibigyan. Alam ba ito ni P-Noy?
Pinag-aralan ba niya ito at tinimbang ayon sa matalinong pagpapasiya? San niya
kinuha ang kanyang “wisdom”? Meron ba siya nito sa kanyang kukote o wala
talaga?
Idagdag
na rin nating tumbukin ang bilyon-bilyong salapi na inuubos ng gobyerno ni
P-Noy para sa mga tinatawag na “sovereign
guarantee”na ipinagkakaloob nito sa mga private entity na kanilang “katuwang sa negosyo” (at katiwalian) dahil
sa tinatawag nilang Public-Private Partnership (PPP). Kasamana dito ang mga garantiyang
ibinibigay ng gobyerno sa mga “tax
exemption” ng ilang malalaking private entity, etc. Nagpapatunay ito na si
P-Noy ay talagang “manhid” sa kapakanan
ng mga naghihirap na senior SSS pensioners, pero “galante” sa pagbibigay ng bilyon-bilyong salaping pondo sa
Conditional Cash Transfer (CCT), bilang libreng limos sa mga “tamad at unproductive na mamamayan na walang
ginawa kung hindi manghingi ng limos” sa pamahalaan, mag-anak ng marami at
maging pabigat ng lipunan. Napaka-galante rin niyang magbigay ng ayuda at garantiyang
“subsidy sa mga binabayarang kuryente ng
mga mayayaman at dambuhalang korporasyon, idagdag pa dito ang mga tax-exemption
na dapat sana ay bayaran nila pero hinahayaan niyang ipataw sa buwis ng mga taong
bayan.”
Sa
sarili kong pag-aaral, as a Sociologist, ang pagiging inutil ni P-Noy bilang lider
ay sanhi ng kanyang “katangahan”at “kakulangan” ng angkop na pagtaya ng tunay
na sitwasyon. Ang naaabot lang ng kanyang utak ay iyong “isinasaksak at ibinubulong sa kanyang isipan” ng mga nakapaligid sa
kanya. Mistula siyang “robot” na kapag
sinusian ng kanyang mga adviser at cabinet secretaries, ay “oo” lang ang kanyang isinasagot. Mistula rin siyang “batang kulang sa isip, o retarded kung
baga. Na hindi niya kayang magsarili. Takot siyang mawala sa kanyang tabi ang mga
taong nakapaligid sa kanya na nagsisilbing kanyang tagapag-alaga. Kahit na mga
incompetent, patong-patong na katiwalian, kapalpakan at bulilyaso pa ang gawin ng
kanyang mga ka-KKK, dededmahin lang niya ito. Takot nga po kasi siyang mawalan ng “tagapag-alaga”. Kung hindi niya kayang
maging independent sa pag-aksiyon at decision making, wala rin siyang kakayahang
makapag-move on, gaya ng naging treatment niya sa kanyang close friend na si
General Purisima na patuloy niyang pinupuri at pinasasalamatan hanggang sa
huli.
Ito
ang nakapanlulumong katotohanan mga kabalat at kababayan ko, pero wala na tayong
magagawa. Naiboto na natin siya at nailuklok sa posisyon na hindi karapat-dapat
sa kanya. Ngayon ay sising alipin tayo habang hinihintay ang pagtatapos ng kanyang
termino. Ang tanging relief na lamang nating inaasahan ay malapit na siyang mapalitan.
Ganoon man, dapat pa rin tayong maging maingat. Meron siyang minamanok na nagsasabi
at laging ipinangangalandakan na “ipagpapatuloy
daw nito ang sinimulang tuwid (baluktot) na daan” ni P-Noy Aquino. Tila
ayaw niyang humiwalay o bumitiw sa masama at madilim na anino ng “tuwad na daan” ni P-Noy. Huwag nating hayaan
na mangyari ito. Huwag nating manatili ang “legacy”
ng isang manhid, incompetent at
berdugo ng mga senior SSS Pensioners.
Nananawagan
ako sa mga senior SSS pensioner na pinalakol ng berdugong si P-Noy dahil sa kanyang
pag-veto sa batas na ipinasa sa kongreso at senado. Huwag po ninyong suportahan
ang manok ni P-Noy. Ikampanya ninyo ito sa inyong mga asawa, anak, apo at mga kamag-anak.
Ipadama ninyo sa kanilang hindi lang kayo dadalawang milyong senior SSS
pensioners na minemenos niya ang bilang. Ipakita ninyo ang inyong “galit at poot” sa pamamagitan ng balota.
No comments:
Post a Comment