The Mamasapano Massacre
Kamakailan
ay nagpahayag ang Senado, particularly
ang committee na pinamumunuan ni Senator Grace Poe na muling bubuksan ang pagdinig
sa Mamasapano Massacre sa kahilingan ng pinaka-senior na Senador na si Juan
Ponce Enrile na hindi nakapag-participate noon dahil nakakulong pa. Ayon sa gurang na senador, meron daw siyang mga
hawak na bagong ebidensiya na makapagpapatunay sa kung sino talaga ang dapat sisihin
at papanagutin sa pagkamatay ng SAF 44. Para sa akin, it’s a welcome
development. Ang totoo, kahit hindi na buksan ang pagdinig sa naturang kaso,
naipahayag ko na sa aking mga naunang komentaryo at artikulo ang aking sariling
pananaw na si President Benigno Aquino III ang may kasalanan at dapat papanagutin.
Pero kung meron ngang mas malakas na ebidensiyang hawak si Senator Juan Ponce
Enrile at mas makapagpapatibay sa culpability ni P-Noy, e, di, WOW. Siguradong makakasuhan
na siya pagbaba sa kanyang puwesto at magagamit ang ebidensiyang sinasabi ni Enrile
para siya mas madiin.
Kahit
nasasangkot sa pandarambong si Senator Enrile at isa sa pinaka-hate kong senador
na naging subject din ng aking mga kritisismo noong mga nakaraang taon, ang kanyang
“talino” naman ay tila hindi nabawasan kahit pa nga nadaragdagan ang kanyang idad.
Malay natin, baka kapag siya na ang gumigisa at nagtatanong sa mga dati ng natanong
na mga resourse persons ay makahugot siya ng mga kasagutang hindi pa nasasagot
noon at pi-pinpoint mismo kay P-Noy sa kanyang tunay na pananagutan sa ilalim
ng ating batas.
Aabangan
ko ang pagdinig na ito sa senado at excited ako sa magiging technique at mga explosive
questions ni Senator Enrile. Hindi nga ba’t noong panahon ng impeachment trial
ni Chief Justice Renato Corona, tanging siya ang nakipagtagisan ng talino na ipinang-tapat
sa mahusay na abugado nito na si retired SC Justice and now deceased Serafin
Cuevas. Gusto ko ring masaksihan muli ang mga facial expressions ng mga resourse
person mula sa AFP na muling matanong ganoon din ang mga cabinet secretaries na
direktang may nalalaman sa pagtatakip kay P-Noy bilang pangunahing culprit sa kamatayan
ng SAF 44.
Ang
re-opening na ito ang magsisilbing “multo”
na tatakot kay P-Noy. Muli ring mananariwa sa kanya ang pinakamalaki niyang
“blunder” o pagkakamali sa kanyang buong buhay bilang isang lider ng ating
bansa. Ang makinig sa “advice” ng kanyang
mga “adviser” at the expense of the
lives of SAF 44. “ Forty-four human
lives” ito at hindi forty-four
chicken lives na mistulang kinatay ng mga rebelde at teroristang MILF na kaulayaw ni P-Noy. Hindi rin isang video game ang nilaro ni
P-Noy noon na kapag na-game over ay may tsansa pa siyang makabawi para manalo.
Anyway,
it’s now a thing in the past. Alaala na lang ang lahat pero ang hindi natin
mapapasubalian ay ang patuloy pa ring paghahanap ng “hustisya” sa kamatayan ng SAF 44 at sa kung sino ba talaga ang dapat
managot sa kanilang kamatayan. May “utang
na dugo” siya (sila) at ewan ko kung bakit “napaka-manhid” at wala yata talaga silang “budhi” o “kunsensiya”. Nakapamumuhay pa sila ng normal sa kabila ng
katotohanang, dahil sa kanilang advice (pertaining to the adviser) at sa tumanggap
ng advice at nagdesisyong sundin ito (pertaining to the one who took the advice
and obeying it), isang napakalaking “trahedya” ang naganap.
Justice
to SAF 44!!!!!
No comments:
Post a Comment