Saturday, January 30, 2016

Re-opening of Mamasapano Massacre Inquiry in the Senate, A Replay



Ang inaakala kong nakasasabik na re-opening ng Mamamasano Massacre investigation  sa senado ay hindi nangyari, sa halip isa ako sa maraming sumubaybay dito na nadismaya.Wala akong narinig na bago, maliban sa katagang “compartmented” na binanggit ni Senator Juan Ponce Enrile. Wala ring nagre-surface na ebidensiyang tutukoy mismo sa kung sino ang tunay na may pananagutan sa pagkasawi ng SAF 44. As usual, ang mga namumuno sa AFP at PNP SAF noon ay nagturuan ng pananagutan kung sino ang dapat sisihin. Eksenang napanood ko na kaya“replay o re-enactment”na lang ang ginawang pagdinig sa senado.

Ang sinasabing“pasabog” daw ni Senator Enrile para madiin at malantad ang tunay na may pananagutan sa Mamasapano Massacre at tila “nasupot” na whistle bomb. Senator Enrile just relied on the chronology of  text messages and from it, he exerted an effort to extract the culpability of the Commander in Chief (President Noynoy Aquino) who clearly violated the chain of command. Kung baga sa niyog, tinangka niyang pigain muli ang sapal nito na napiga na para makapag-produce pa ng karagdagang gata, pero wala na siyang nakatas. Walang “stand down” order mula kay P-Noy na nakuha mula sa bibig ng mga tinatanong.

Ang malinaw na nakita ng taong bayan sa mga resource person na naroroon ay ang pagtatakipan, pagsisisihan at pagmamaang-maangan. Sa panig naman ng ilang senador, particularly Senate President Franklin Drilon na halatang halata naman na ang idinidiin niya at binibigyang sisi ay si Genaral Napenas. Sa naturang pagdinig ay  nadehado rin si Napenas dahil nagkaroon ng tsansang makapaghugas ng kamay ang pamunuan ng AFP thru power point presentation with corresponding video. Pilit nilang binibigyan ng justification ang hindi nila agarang pagresponde sa SAF 44 na minasaker ng mga rebeldeng MILF, BIFF at mga grupo ng private army sa Mamasapano. Napansin ko rin na tila nabawasan na ang dating sigla at gilas ni Senator Juan Ponce Enrile. Sa kanyang pagbabasa at pagsasalita ay halatadong unti-unti na siyang dinodominahan ni “father time”.

Anyway, sadya nga yatang mailap ang katarungan sa SAF 44 dahil ang itinuturong pangunahing responsable ay nakaupo pa sa kapangyarihan. Ganoon man, ilang buwan na lang naman ang ilalagi ni Noynoy sa kanyang trono. Pagbaba niya sa puwesto ay tiyak na gagalaw na ang mga taong nangangati at gigil na siya’y makasuhan at mahoyo. Sa pagkakataong ito, korte na ang bubusisi sa kanyang culpability ni P-Noy sa kamatayan ng SAF 44.


Abangan na lang natin ang susunod na kabanata.

No comments:

Post a Comment