Sonny Belmonte
Speaker of the lower House
Bagamat
naririnig kona noon pa ang pangalang Neri Colmenares, mas lalong naging pamilyar
sa akin ang pangalang ito dahil sa dinami-dami ng ating mga congressman sa
lower house, tila siya at ang iilan niyang mga kasangga sa Makabayan Bloc ang namumukod-tangi
na nakikipaglaban sa kapakanan ng sambayanang Pilipino. Hanggang sa Supreme
Court ay dinadala niya ang laban, gaya ng hindi makatuwirang pagtataas ng singil
ng Meralco. Hindi lang ako kung hindi ang milyong consumers ng kuryente ang nakinabang
dito nang dinggin ng katas-taasang hukuman ang kanyang appeal na ipahinto ito.
Ang latest nga ay ang kanyang puspusang pagtulong sa mga api at naghihirap na mga
senior SSS pensioners.
Gaya
ng natalakay ko na dito, matapos ang mahabang pagdinig sa kongreso para maipasa
ang karagdagang 2,000 SSS pension increase ng ating mga retiradong SSS
pensioners, ginamit ni President Noynoy Aquino ang kanyang veto power para pagkaitan
ng “konting limos” at “awa” ang mga matatanda nating SSS
pensioners. Ganoon man, hindi sumuko ang “fighter
ng bayan”. Sa kagustuhan niyang i-override ang pag-veto ni President Noynoy
sa batas na pumutol sa pag-asa ng mga matatada, hanggang sa huling mga minuto ng
kanilang huling session ay lumalaban siya. Unfortunately, ang “malaking tuta” na nagsisilbing bantay ni
Noynoy sa lower house ay pinatayan siya ng mikropono kasabay ng agarang
pag-adjourn sa congress session.
Ang tagpong
ito ang labis na umantig sa akin at talaga namang nakapanlulumo ito sa kasaysayan
ng ating kongreso. We are in a democratic country. We are guaranteed by our own
constitution freedom of expression. This freedom to speak in behalf of the this
poor sector (SSS pensioners), whom
Congressman Colmenares represent inside the congress hall must not be halted
nor violated. Unfortunately, congress itself supressed this freedom. Hindi lang si Congressman Colmenares ang kinatawan
ng taong bayan sa kongreso. Mahigit silang 200 representatives na naroroon para
i-represent ang kani-kanilang mga constituents na senior SSS pensioners. Ang
problema, ang “matandang speaker” of
the lower house na si Congressman Sonny Belmonte mismo ang humarang dito.
Right
there and then, Congressman Sonny Belmonte “lost
his right” to call himself, representative of the people. Instead, mas
karapat-dapat lang na tawagin siyang “matandang
prostitute lawmaker” in the legislative
branch of our government. He only represent one person, and that is President
Noynoy Aquino. Dito ko rin lubos na nauri ang kanyang tunay na pagkatao. Sa kanyang
idad ngayon, mistula siyang walang pinagkatandaan. Imbes na makaunawa, naging “manhid” ang kanyang puso sa mga naroroong
matatanda na ang karamihan ay halos kasing-idad niya. Baligtarin kaya natin ang
sitwasyon. Si Congressman Sonny Belmonte kaya ang lumagay sa katayuan ng mga naroroong
mga sakitin at matatandang SSS pensioners? Ano kaya ang kanyang madarama?
Ito ba
ang “legacy” na iiwanan ni President
Benigno Simeon Aquino III sa kanyang pagbaba sa puwesto? Ito rin ba ang tatak
at markang iiwan ng speaker of the house na si Sonny Belmonte. Dalawang tao na naging
“kasumpa-sumpa” ang naging desisyon
at aksiyon sa paningin ng ating mga senior SSS pensioners.
Manalangin poTayo
Panginoon
po naming Diyos, sa iyong mga salita na rin nagmula ang mga talatang ito sa
Bibliya: “Ipagtanggol mo ang mga ‘di makalaban,
ipaglaban ang kanilang karapatan. Ipahayag mong malinaw ang katotohanan at ang katuwiran,
at igawad ang katarungan sa api at mahirap” (Kawikaan31:8-9) Sa nasasaksihan po namin at nararanasan ng mga
aba naming mga senior SSS pensioners, hindi po ganito ang nangyayari, O, Diyos.
Umaasa po sanang maii-override ng mga representative namin sa kongreso ang ginawa
ni President Noynoy na pag-veto sa SSS pension increase, pero isang matandang
manhid na speaker of the house (Sonny Belmonte) ang pumigil. Kabaligtaran po ng
ipinahayagmo o, Diyos ang ginawang ito ni Sonny Belmonte na “ipagtanggol ang mga ‘di makalaban at
ipaglaban ang kanilang karapatan”. Sa halip siya pa po ang naging balakid para
yurakan ang karapatang ito.
Panginoon
naming Diyos, hindi pa rin po kami nawawalan ng pag-asa para sa aming mga matatandang
SSS pensioners. Nalalapit na rin po ang pagbaba sa trono ng nag-veto sa SSS
pension increase. Ang hiling na lamang po namin, O, Diyos, ay bigyan mo po sana
kami ng magiging presidenteng “marunong maawa”
at “may puso”. Isang presidenteng marunong
tumimbang at kumilatis sa kung ano ang angkop at tamang desisyon para sa mas
nangangailangan naming kababayan, particularly sa aming mga nakatatanda. Bigyan
mo rin po sana kami ng marami pang mambabatas na katulad ni Congressman Neri Colmenares
na magsisilbing “fighter” namin. Hindi
po mga “prostitute lawmakers” na gaya ng karamihan sa mga nasa kongreso ngayon at sariling kapakinabangan at interes ang pinangangalagaan.
IKAW na rin po sana ang bahalang magparusa
sa mga SSS officials na “timawa”,
“ganid” at “sakim” na appointed lamang ng manhid na
presidenteng si Noynoy Aquino. Sila na nagsisilbing
“linta” na sumisipsip sa pondo ng
SSS. Ikaw na po sana ang maghayag sa kanilang “pangwawaldas”
at “pagpapabaya”. Papanagutin mo po sana sila. Kung hindi man sa
hukumang pang-tao sila maparusahan, ang “TADHANA”
(kamatayan, sakit, problema at salot), ang nawa’y maningil sa kanila.
Hinihiling
po namin ito sa iyo, o, DIYOS, sa pangalan ng aming tagapagligtas na si Hesukristo.
Amen
No comments:
Post a Comment