Monday, March 21, 2016

The 2nd Presidential Debate, 2016

The 2nd Presidential Debate 2016

Gaya ng maraming botanteng Pinoy, isa ako sa nag-abang sa ikalawang yugto ng Presidential debate 2016 at pinanood ng taong bayan sa TV 5. Kung sa una nilang debate (na napanood ko sa Channel 7) ay nakulangan ako sa pamamaraan ng tanungan at sagutan, sa ginawang coverage ng TV 5, napunan itong lahat. Hindi  “boring” ang naging eksena at medyo na-excite ako. Nagkaroon man ng delay na mahigit isang oras, nang magsimula ang debate totoo namang naging kapana-panabik ang mainitang sagutan ng mga tumatakbong presidentiables, particularly between Vice President Jejomar Binay and Grace Poe, and Secretary Mar Roxas and VP Binay. Para itong basketball na kung may opensa, meron din namang depensa. Lumitaw rin ang pagiging “palaban” ni Senator Grace Poe sa sagutan nila ni VP Binay at ang pagiging “behave” naman ng isang Rodrigo Duterte.

Sa mga presidential contender, si VP Binay ang may pinakamabigat na “bagahe” na dala-dala. Siya lang kasi ang may patong-patong na kasong graft at plunder sa Ombudsman at Sandigang Bayan.  Paulit-ulit man niyang sabihin na ang mga ito ay bintang o akusasyon lang and only the court have the right to decide if he is guilty or not, the fact na nakademanda siya sa kasong katiwalian ay isa nang malaking factor o disadvantage. Maging sa mga taong naniniwala sa kasabihang “kung walang apoy,  walang uusok” ay tagilid na siya. Kung baga, ang mga kaso ni VP Binay ang nagsisilbing “apoy o titis” na pinanggagalingan ng usok. Sa question and answer, mapapansin na kahit iba ang isyung itinatanong, bumabalik pa rin at bumabalandra sa mukha ni VP Binay ang bagaheng kanyang dala-dala,  and it’s his biggest dilemma right now. Maging nang hikayatin siya ni Secretary Mar Roxas na sa harap ng taong bayan magpaliwanag tungkol sa mga akusasyon sa kanya, hindi niya ito nagawa.

For me, Mayor Rodrigo Duterte, shone in that debate. He answered the entire question directly and straight to the point, mixed with sense of humour. Sa totoo lang,  ang estilong ito ay,  pang-masa ang dating. Madaling maka- attract sa tao, wika nga. This also made him lovable kahit na kilala siyang matapang at pumapatay ng tao.  Nakadagdag puntos din ang kanyang pag-pabor sa death penalty na sigaw ng mga mamamayang umaasam ng pagbabago sa malamyang treatment ng gobyerno sa drugs and criminality. Sa last appeal ng mga presidential candidates sa mga botante, muling nagka-plus factor  si Mayor Duterte when he promised that aside from solving criminality within six months, he shall provide our country a “strong leadership” na kinauuhawan ng taong bayan sa panahon ngayon. Pinatunayan din niya na hindi siya taong ipokrito ng sabihin niyang kokopyahin niya ang mga magagandang agenda o plataporma ng mga kalabang presidential contender kapag siya ang naging presidente.

Ang isa sa nagsilbing “bonus” sa pinanood kong presidential debate ay nang magdesisyon ang TV 5 na ipalabas ang dahilan sa pagkakaantala ng debate in which the TV network recorded earlier. Nakita kong naghihintay sa stage at nakatayo sina Senator Grace Poe at Mayor Rodrigo Duterte na sinundan ni Secretary Mar Roxas. Kapansin-pansing si VP Binay lang ang wala pero matiyaga nila itong hinintay. Nakatutuwa ang mga pabirong pag-uusap ng tatlo na maririnig sa audio ng kanilang microphone. Alam ko ring si VP Binay ang kanilang pinag-uusapan and Mayor Duterte made some jokes about it. Nakatutuwa ring mapanood ang pag-uusap nina Mayor Duterte at Senator Grace Poe nang mag “may I go out” sandali si Secretary Mar Roxas. Nang pumasok si VP Binay, nagkaroon ng argumento tungkol sa rules na hindi pinapayagan ng COMELEC, ang pagdadala ng notes sa podium but VP Binay still insist.

That incident/argument before the debate started and aired by TV 5 was a big “setback” in VP Binay’s camp. Tiyak na maraming nadismaya sa kanya at nainis dahil ito ang naging sanhi ng delay. Nalarawan din ang tunay niyang personalidad na ipinunto sa kanya ni Senator Grace Poe at pagsasabi nitong VP Binay claimed that he had more experienced among the candidates and yet, he need  “codigo” sa kanilang debate. As a lawyer himself, nagustuhan ko rin ang sinabi ni Mayor Duterte na ang dalang mga dokumento ni VP Binay ay siya lang ang nakaaalam at hindi nila magagawang kontestahin ang “authenticity” nito.  Sa kabila ng lahat, natuloy din ang debate.

After the first and second presidential debate, medyo lumilinaw na  kung sino sa lima ang iboboto ko. Dalawang pangalan pa rin ang nasa listahan ko at wala pa akong final decision hanggang ngayon. Ganoon man, tila nakaungos ng bahagya sa debateng ito ang isa sa minamanok ko. Siguro ay makakapili na ako kapag sumalang silang muli sa ikatlo at panghuli nilang presidential debate. 



No comments:

Post a Comment