The Blocking Force in Vice President Binay's
Presidential Ambition?
Sa dinami-rami ng mga kumakandidaatong presidente at vice president sa mga nakaraan nating eleksiyon na mas kuwalipikado, sino ba ang mag-aakalang ang isang media personality at broadcaster na si Noli De Castro ay magiging senador at pangalawang pangulo ng ating bansa? Marahil ito ang kanyang destiny. Ganito rin ang naging kapalaran ni Makati Mayor Jejomar Binay. Hindi man siya naging senador, naging Vice President naman. May “bonus” pang ibinigay ang tadhana sa pamilya ni VP Binay dahil naging senadora si Nancy, Congresswoman si Abigail at Mayor naman si Jun Jun. Ganoon man, kung si Noli De Castro ay huminto at nakuntento na sa ipinagkaloob sa kanya ng tadhana, si VP Binay ay hindi. Ang tinatarget niya ay ang pinakamataas na puwesto sa ating bansa. Hindi pa napag-uusapan ang presidential election, 2016, common knowledge na sa taong bayan na tatakbo siya bilang presidente. Ganito rin si Secretary Mar Roxas na nagparaya kay P-Noy, kaya alam nating silang dalawa ang tiyak na maglalaban. Ang problema, may mga humuhula na ilalampaso lang ni VP Binay si Roxas ay may posibilidad na maging presidente.
Marahil
ay nabahala ang nasa ITAAS sa sobrang “kauhawan”
ng pamilya Binay sa kapangyarihan. Dito na nakialam ang tadhana. Biglang pumutok
sa media ang mga diumano’y “nakaw na yaman”
ng mga Binay. Ang overpricing ng Makati City Hall, ang ginagawa nilang
biding-bidingan, kickback, etc, etc. Ginamit na kasangkapan ng nasa ITAAS ang kanya
mismong “best friend” na si Vice
Mayor Ernesto Mercado, para malantad ang pandarambong na ito, sampu ng mga
di-umano'y “dummy” ni VP Binay. Ginamit
din ng tadhana ang senado para malaman ng taong bayan ang “lihim” ng pandora’s box na nakatago sa Makati. Ganoon man, sa kabila
ng maraming hearing na ginawa sa senado,
kataka-takang mataas pa rin ang ratings ni VP Binay at may posibilidad na maging presidente.
Sa kabilang
dako, mula naman sa pagiging aba at sawing palad ng isang “batang pulot” tila iginuhit ng tadhana na may mabuting tao na kumupkop
at nag-alaga sa kanya. Na sa kanyang paglaki
ay tadhana rin pala ang gagawa ng paraan para siya magbalik-bayan, mula sa paninirahan
sa ibang bansa (USA). Katulad ng kapalaran
ng ibang personalidad na sumubok sa pulitika at nagtagumpay, naging senadora si
Grace Poe. Hindi kaya sinadya ito ng nasa ITAAS para siya ang itapat kay VP
Binay? Noong una kasi ay nililigawan si Senator Grace Poe ng Liberal Party para
maging running mate ni Mar Roxas pero tila iba ang idinesenyo sa kanya ng tadhana.
Ang maging presidential contender. Ganito rin halos ang nangyari kay Mayor
Rodrigo Duterte. Mula sa pagiging “reluctant”
presidential candidate kung saan urong-sulong siya kung tatakbo o hindi, biglang
nagbago ang kanyang isip. Halos “last
minute”na nang magdesisyon siyang lumahok sa Presidential derby?
Ano sa
palagay ninyo mga kabalat at kababayan ko? Hindi kaya sila ang talagang isinugo
ng tadhana para maging katunggali ni VP Binay? Dalawang kandidatong magsisilbing
“blocking force” para mapigil ang
presidential ambition ni VP Binay na may layuning mamuno ng “wan to sawa” at magtayo ng “family dynasty”? Sa aking naging pangitain last year, napanaginipan
ko na matatalo si VP Binay sa
Presidential election 2016. Pero, hindi malinaw kung sino ang nanalo bilang
pangulo. Itinuturing ko na isa lang itong ordinaryong panagip, at
tadhana pa rin ang masusunod sa lahat ng magiging kaganapan sa hinaharap.
Ganoon man, nananatili akong naghihintay kung magkakatotoo o hindi ang aking panaginip.
No comments:
Post a Comment