Isa
sa classical novel na paborito kong basahin noong high school pa ako ay ang “The Bridge of San Luis Rey”. It is
about a bridge with some sad and tragic stories to tell. Pero hindi po tungkol
sa bridge na iyon ang gusto kong puntuhan ng aking komentaryo ngayon. Ito ay
tungkol sa “Sapang Alat Bridge” na
matatagpuan sa boundary ng Caloocan City (North) at City of San Jose Del Monte,
Buacan. Kung natatandaan ninyo mga kabalat at kababayan ko, ang tulay na ito ay
puno ng misteryo at kababalaghan. Bakit? Ito kasi ang naibulong sa akin ng
isang old San Josenos resident na nakausap ko. Misteryoso ang tulay dahil mistula
itong isang “kabute” na sumulpot na
lang gayong hindi naman napapakinabangan. Useless wika nga. Bakit, ang tanong
ko? Aba’y ang tinutumbok daw kasi nito ay kabahayan at hindi karsada. Isa daw itong proyekto na ginastusan ng
milyon-milyong salapi mula sa kaban ng bayan and yet, up to now mula nang ito
ay itayo ilang taon na ang nakalilipas ng R.Tique Construction, nakatiwangwang
pa rin. Kung ang layunin sa pagtatayo ng additional na tulay na ito ay
makatulong sa nararanasang traffic sa naturang lugar na tila “imbudo”, hindi
ganito ang nangyari. Isa itong malinaw na pagsasayang ng salapi sa proyektong
tila minadali at walang pag-aaral na ginawa at ang tanging layunin ay para pagkakitaan
lang.
Well,
misteryoso nga kung ganon at tiyak na nababalot ito ng katiwalian. Ang alam ko
ay sinampahan na ng kaso sa Ombusdsman ang Mayor ng San Jose Del Monte City
tungkol dito pero tila natutulog sa pansitan ang mga awtoridad dahil wala pa
akong nababalitaan tungkol sa developmet ng kaso. Hindi lang ito ang nababaalot
ng katiwalian ayon sa aking source na San Joseno resident. Pati nga raw ang
biniling lupa at bagong city hall na ipinatayo ng naturang Mayor sa lugar na
hindi naman daw ideal pagtayuan ng munisipyo ay kuwestiyunable. Kung sa Makati
raw ay uso ang overpriced, tila ganito rin ang sinundang yapak ng tipong
astiging Mayor (tila character actor daw kasi sa pelikula ito kung pumorma) ng
San Jose Del Monte City. Hindi nga ba’t tila idinawit pa si Mayor Rey San Pedro
sa tangkang pag-ambush sa isang inhinyero na tumatayong testigo sa mga
anomalyang kinasasankutan nito.
Well,
well, well…sa kabila ng mga asunto o kasong kinasasangkutan ni Mayor Rey San
Pedro sa kanilang lungsod, ang lakas pa rin ng loob niyang kumandidato uli
bilang alkalde. Kung baga sa bulok na kamatis, inio-offer pa rin niya ang
kanyang serbisyo sa mga taong ewan ko kung maituturing na “bobotantes” at wala yatang sariling bait para analisahin ang
pagkatao ng kanilang mga ibinoboto. Ang tanong, meron pa bang ibang pamimilian
bukod sa Mayor na nakikilala natin ngayong bilang “the builder of “The Bridge of San Pedro, Rey”. Meron naman, ang
problema mukhang kuwestiyunable rin ang pagkatao ng kanyang kalaban. Anyway, between the Devil and the Deep Blue
Sea, ano ang pipilian ng mga taga San Joseno?
No comments:
Post a Comment