Now
that presidential candidate Mayor Rodrigo overtook Senator Grace Poe in the
latest poll survey, it seems the issues about crime and corruption was the “name of the political game”.
Let
us talk about corruption issue. Sa mga kumakandidato ngayon sa ating
pampanguluhan, pinaka-walang “K”
magsalita sa isyu ng corruption si VP Binay. Kasalukuyan kasi siyang nakalublob
sa kumunoy ng corruption dahil sa di umano’y pandarambong niya sa kaban ng
Makati City kung saan ilang dekada siyang naging punong lungsod. Ang kanyang “kabulukan” ay hinalukay at isinambulat
ng kanya mismong trusted and best friend at inihagis sa sambayanang Pilipino.
Ganito rin si Secretary Mar Roxas. Although alam ng lahat na daang matuwid ang
kanyang slogan, hindi ganito ang nakikita ng sambayanan na nakalarawan sa imahe
ni President Benigno Aquino III. Bagamat pagbaka sa corruption di umano ang
kanilang isinisigaw, napakarami namang “bagahe”
na nakasabit sa leeg ni P-Noy, at ito ay ang kanyang mga ka-KKK na corrupt
(Alcala, Abad, Abaya, etc) Mga bagahe itong pinanatili niya sa posisyon
hanggang sa huling mga sandali ng kanyang termino. So, sino si Mar Roxas na
magsasalita tungkol sa corruption gayong ang daang matuwid (baluktot) ni P-Noy
ang kanyang sinusunod, susundan at palalawakin pa. Only Senator Grace Poe and
Mayor Digong Dutete had the right to speak about corruption. Marami ang
nakakakilala sa simpleng pamumuhay ni Mayor Duterte. Wala siyang “Hacienda Binay” na maipagmamalaki.
Wala rin siyang kaibigan at trusted friend na lumalantad at nagsasabi na
kasabwat niya sa pandarambong. Digong is clean about corruption issue, the same
with Grace Poe.
Speaking
of criminality, may bentahe na agad dito sina Senator Grace Poe at Mayor
Rodrigo Duterte. Dalawa lang silang nagtaas ng kamay nang tanungin sa kanilang
second debate kung pabor sila sa “death
penalty”. Kung si Senator Grace Poe ay kukunin ang serbisyo ng kilala at
decorated soldier na si Ariel Querubin para makatuwang niya sa pagbaka sa droga
at kriminalidad, Digong Duterte on the other hand, was very vocal about this
issue. It was his campaign slogan from the start. To wipe out criminality in
the country within three to six months. Mas naka-attract din sa taong bayan ang
kanyang madamdaming pananalita sa kanyang political ads sa TV, where he was
very much upset about drugs and criminality na nangyayari ngayon sa ating
minamahal na bansa. “My God”, he told in a very sympathetic tone. Digong
Duterte offers a strong and decisive leadership to fight for it.
Bagamat
tinagurian si Mayor Rodrigo Duterte na “Pambansang
Berdugo” ni VP Binay, at ni Secretary Mar Roxas na magbabalik daw sa
Martial Law for being “the judge, jury
and executioner,” hindi palagay ko makaka-epekto ito sa popularity ni
Duterte. Ang dalawang nagsasabi nito ay against death penalty kung saan “bine-beybi” nila ang mga pusakal na
kriminal at nagiging safe haven pa nga ng mga ito ang bilibid o ang ating mga
bilangguan. Di nga ba’t nagagawa pa raw makipag-transact ng mga drug lord at
makapagluto ng shabu kahit nakakulong na? Kung baga sa mga nagnanais ng
pagbabago, what changes do we expect from Roxas and Binay when
it comes to drugs and criminality, NOTHING,
WALA, SERO. Same as what was happening today. So, tanging
sa dalawang front runner na lang puwedeng umasa ng pagbabago ang sambayanang
Pilipino kung corruption and criminality ang pag-uusapan. Kay Senator Grace Poe
at Mayor Rodrigo Duterte.
Sa
sarili kong pananaw, sa kabila ng kanyang pagiging babae, may nakikita akong
political will kay Senator Grace Poe. Nasa kanya ang “puso” at “simpatiya”sa
kanyang mga kababayan. Meron din siyang “tapang”
na maaaring nakuha niya sa yumaong si FPJ. On the other hand, Mayor Rodrigo Duterte
had already proved na matapang talaga siya. He admitted na pumatay na siya ng “kriminal”. He admitted too na isa nga
siyang “Pambansang Berdugo ng mga
Kriminal.” May mga nagdududa sa kanya kung magagawa nga niya ito.Na within
3 to 6 months ay masusugpo ang krimen, pero hindi ang dudang ito ang iniisip at
nakatanim sa utak ng mas nakararaming Pilipino sa ngayon. Ang mahalaga sa kanila
ay may isang nagpiprisintang leader na nangangako ng agarang pagbabago. Swift CHANGES, wika nga.
We
are very tired of hearing again and again,
what Senator Gregorio Honasan told, during the Vice Presidential debate na “to fight criminality, we must fight
poverty”. To hell with that reasoning. Panahon pa ni kopong-kopong ay
sinasabi na ng mga nauna nating leader at politico ang linyang ito pero may
nangyari ba? May nagawa ba sila para labanan ang poverty? Lalong lumala ang
kahirapan dahil sa mga corrupt na lider natin na tulad ng kanyang ka-tandem na
si VP Binay at tinawag ni Duterte na “Pambansang
Berdugo sa Pera ng Makati”. What we need now is a leader who have a
different reasoning, different perspective and different approach to fight criminality
and corruption.
Tandaan
natin mga kababayan at kabalat ko, ang anim na taong termino ay napakahaba at
sobrang nakakainip para sa isang presidenteng “weakling”, “tanga” at “bano”,
pero ang tatlo hanggang anim na buwan ay napaka-haba na sa isang presidenteng “strong”, “matapang” at may “political will”.
No comments:
Post a Comment