Friday, April 29, 2016

Between the “Devils” and the Deep Blue Sea

Senator Antonio Trillanes
Vs.
Mayor Rodrigo Duterte

Halos ilang araw na lang ang ating hinihintay mga kababayan at kabalat ko. Pipili tayo sa sa limang aplikante na nag-a-apply sa pagka-presidente. Ito ang iluluklok natin sa pinakamataas na puwesto na titimon sa ating gobyerno. Sa sunod-sunod na survey  kung saan ipinakikita ang listahan ng mga nangunguna at kulelat na presidential aspirant, mas tumitindi at umiinit pa ang batuhan ng mga akusasyon. Dahil halos nasa last minute na nga ang karera nag-ala sepulturero na si Senator Antonio Trillanes sa pagkukumahog na makapaghukay at makahanap ng “kalansay” na posibleng pang-tibag sa luklukang kinatatayuan ngayon ni Mayor Digong Duterte. May nahalukay di umano siyang milyones na nakatago sa bangko na di raw nakalagay sa SALN ng naturang Mayor ng Davao. Kung mas maaga sigurong nailantad ito ni Senator Trillanes, baka maraming maniwala sa kanya. Pero dahil nga sa halos iilang araw na lang bago mag-election, isa lang ang naiisip ng mga botante. Ito’y posibleng “last minute demolition job” laban kay Duterte.

Bagamat walang testigong lumalantad o inilantad na katulad ng sa kaso ni Mayor Binay ng Makati, ang alegasyon ni Senator Trillanes ay nakagawa pa rin ng “impact” sa mga taong nananatiling nag-iisip at hindi pa nakapagpapasiya kung sino ang kanilang iboboto. We expect na kahit ilang araw na lang ang natitira bago mag-eleksiyon, marami pa ring hamon o challenges na kinakaharap ang mga nag-apply sa ating mga presidentiables.  Batuhan ng putik pa more, halukayan ng mga kalansay pa more. Ganoon man, dapat ay laging handa ang ating mga presidentiables na sagutin ang mga hamon at akusasyong ito na naglalabasan laban sa kanila. Hindi puwede dito ang paligoy-ligoy at iwas–pusoy na pamamaraan. Kung totoong sinsero sila at walang bahid dungis na itinatago, face it. Prove that the accusers were wrong. Well and good naman para sa ating mga botanteng Pinoy na nag-iisip at nag-aaral pa rin sa pagkatao ng ating mga iboboto dahil marami pa tayong hindi nalalaman na ngayon ay ating natutuklasan.

I am not a Duterte fanatic. Nagkataon lang na sa aking sariling pananaw bilang may malayang isip, kasama si Mayor Duterte sa “dalawang presidential candidate” na aking pinagpipilian.  Actually, hanggang ngayon, isa pa rin ako sa mga natitirang undecided registered voters.  Ganoon man, ang lahat ng positibo at negatibong balita tungkol sa kanila na naglilitawan ngayon, ay aking tinitimbang ay matamang pinag-aaralan. Kung sakaling ang lahat halos ng kandidato sa pagka-presidente ay may mga “bagaheng bitbit”, we have no choice but to elect our leader. Hindi naman ako pabor sa boycott, o maging katulad ng iba d’yan na panay lang ang komentaryo at ngawa na animo mga political analyst ang dating, hindi naman pala registered voters at hindi rin bumoboto. Siguro ang dapat na lang nating piliin ay iyong kandidatong may pinaka-magaan na bagaheng dala-dala.  Kung sino siya, kayo na mga kabalat at kababayan ko ang bahalang tumimbang. 

Just remember, between the “devils” and the deep blue sea, we have to pick our choice na susugalan.


No comments:

Post a Comment