Sunday, April 24, 2016

The 3rd and Last Presidential Debate, 2016

Promises… promises… promises. Ito ang tangi nating maririnig sa ikatlo at huling presidential debate, 2016. Kung baga sa mga taong nag-a-apply ng trabaho na ang  puntirya ay ang pinaka-mataas na posisyon, (presidente ng Pilipinas) hindi natin malalaman ang kanilang performances, unless nakaupo na sila at nagta-trabaho. Sa ngayon, wala tayong magagawa kung hindi tanggapin ang kanilang mga promises at umasang gagawin nila ito o magagawa sa loob ng anim na taon nilang panunungkulan. Ganoon man, tayong mga registered voters, except those whom I classified as “fanatics” (panatiko) and “mercenaries” (bayaran), ay may magagamit namang intuition sa kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo, nagsisinungaling, tapat at nambobola lang. As I’ve said, sa mga presidentiables na nagdebate, ang merong dala-dalang “bagahe” o pabigat sa kanilang mga leeg ay si Vice President Jejomar Binay, Secretary Mar Roxas at Senator Miriam Defensor Santiago. Bakit? Himayin po natin mga kababayan at kabalat ko.

Jejomar Binay

Ang mga “plunder cases” ni VP Binay na nakasampa laban sa kanya sa Ombudsman at Sandigang Bayan ang numero uno niyang problema. Katunayan, muli itong na-highlight sa kanilang tanungan ni Secretary Mar Roxas kung saan binigyan na naman siya ng tsansa para magpaliwanag sa harap ng taong bayan na nanonood at nakikinig sa kanilang last debate. Muli, “iwas pusoy” na naman sa kanyang isinagot si VP Binay na lalong nagpatibay sa isip ng mamamayang Pilipino na totoo ang mga akusasyon laban sa kanya.

Mar Roxas

Although nag-excel para sa akin sa kanyang closing statement ng debate si Secretary  Mar Roxas ang bagaheng “incompetency” at “kapalpakan” ni President P-Noy ay siya ang sumasalo. Bilang “kabahagi ng kasalukuyang administrasyon”, nagre-reflect sa kanya ang mga “pagkukulang”, “incompetency” at pagiging “manhid” ng gobyerno sa pagtugon sa mga problema. Kapag nagka-aberya ang MRT, uminit ang ulo ng mga taong naiipit dahil sa sobra ng traffic, kapalpakan ng gobyerno na tugunan ang epekto ng El Nino na sa halip na bigas, bala ang kanilang ibinigay sa mga kawawang magsasaka, ang pag-veto ni P-Noy sa batas na mag-i-increase sana sa benepisyo  ng mga kawawang Senior SSS pensioners, ang reklamo sa tanim bala sa NAIA, etc, etc. Naturalmente na ang kandidato at minamanok ni P-Noy ang kanilang gagantihan. Si Secretary Mar Roxas. Ang banner slogan pa naman niya ay ang “tuwid (pero baluktot) na daan” na kanya raw ipagpapatuloy at palalawakin pa.

Miriam Defensor Santiago

With regards to Secretary Miriam Defensor Santiago, although sinasabi niyang okey na siya at nasugpo na ang sakit niyang cancer, ang pagdududa ng mga botanteng Pinoy ay naroroon pa rin at nananatili. Ito ang bagaheng tinutukoy ko na dala-dala niya, ang kanyang “health condition”. Actually, naaawa ako sa kanya. Sa kalagayan ng kanyang health, kung bumuti man ito, ang stressful political campaign na kanyang pinagdaraanan ang posibleng makapagpalala dito. Sa huling debate, ibang-ibang Miriam Defensor Santiago na ang nakikita ko. I hope and prayed na maka-survive siya at matawid o mahigitan pa ang anim na taong pagdaraanan niya. Sa nakikita ko, tanging sina Senator Grace Poe at Mayor Rodrigo Duterte ang walang gaanong bagahe na dala-dala.

Grace Poe

Ang usapinng citizenship and residency ay naresolba na sa pagpayag ng Supreme Court na makatakbo sa presidential derby si Senator Grace Poe. Sa mga nagpi-prisintang maging presidente natin siya ang pinaka-fresh, pinaka-bata, at may mga bagong pananaw na maaari niyang magamit sa pamumuno at pamamahala. Wala siyang bagaheng pasan kung hindi ang usapin ng kanyang pagiging “walang karanasan” na pilit ginagawang isyu ng mga taong walang maipukol sa kanya. Para sa akin, hindi ito issue. May mga tao kasi na kahit matagal na sa gobyerno at pamamahala, nananatili pa ring palpak at incompetent, pero meron namang mga tao na sa maikling panahon ng panunungkulan ay mas napatutunayang epektibo. Sa kanyang closing statement sa huling debate nila, si Senator Grace Poe ang pumapangalawa sa akin na may mataas na grado, second to Secretary Mar Roxas. Kung matutupad ni Senator Grace Poe ang kanyang 20 point agenda na ipinangako noon, nasa maganda tayong kamay sa kanyang pamumuno. Kung paano niya lalamanan ang mga agendang ito at kung paano niya maipatutupad kapag nahalal na siya at naupo bilang pangulo ang tanging kulang.

Rodrigo Duterte

With regards to Mayor Rodrigo Duterte, except sa kanyang “katabilan” at “bunganga”, wala akong nakikitang bagahe niya. Gaya ng nasabi ko na, he is the most unique presidential contender in the history of Philippine politics. Pinaka-totoo at pinaka-natural magsalita. Although “sumasablay” ang kanyang mga jokes at nagiging dahilan ito para siya ma-mis-quote, it can be corrected. What we saw in him is what we get. Kung baga sa isang aklat, bukas din sa lahat ang pagkatao ni Mayor Rodrigo Duterte, hindi katulad ni VP Binay na bagamat binuksan na ni Vice Mayor Ernesto Mercado ang ilang pahina ng kanyang “secret book” na itinatago at binusisi sa pagdinig ng senado, ang kapal pa rin ng apog niya na pabulaanan ito. Hindi rin namimilit si Mayor Duterte na iboto siya kaya isang sugal o pakikipagsapalaran sa bahagi ng mga botante kung siya ang pipiliin. Bagamat isa siyang abugado, hindi siya hambog kung pinag-aralan at grado ang pag-uusapan. He readily admit na 75 percent lang ang kanyang grado. Hindi rin niya ipinagkakaila na mahilig siyang mangopya dahil grade one pa lang ay nangongopya na siya. Mga pananalita rin ito na may himig ng pagbibiro. For me, hindi isang kahinaan na gaya ng sinasabi ng ilang political analyst ang pangongopya, bagkus it is a sign of a good and flexible leader. Hindi siya katulad ng ibang naging presidente natin na dahil sa “pride”, kahit maganda ang isang agenda o programa na ginagawa at naiwan ng mga nakaraang administrasyon, hindi nila ito ina-adopt, sa kabila ng katotohanan na makabubuti ito sa sambayanang Pilipino. Isa na dito ang halimbawang ginawa ni President Benigno Simeon Aquino III. Na sa halip ituloy ang nakakakasang construction ng MRT 7 na naiwan ni President Gloria Macapagal Arroyo, with “urgency”, six years niya itong itinengga, at ang tanging nagawa sa panahon ng kanyang administrasyon ay ang mag-ground breaking para at last, matuloy na rin ito. What a waste of time and people’s money.

Suma total, dalawa lang ang natitirang presidential applicants na ikinukunsidera ko sa aking listahan at pamimilian. Dalawang walang masyadong bagahe na dala-dala. Dalawang parehong nangangako ng pagbabago. Kung paano nila magagawa ang mga pangakong ito ay huwag na muna nating pagdebatihan. Kapag naupo na sila, dito natin makikita ang kanilang kakayahan, kung gaano sila ka-competent at ka-effective maging leader. Sa ngayon, pawang mga speculation, kuro-kuro at pala-palagay lang muna ang masasabi ng ating mga political analyst, kung meron o wala silang kakayahan na gawin o ipatupad ang kanilang mga pangako. Lahat naman sila ay nangangako at alam din natin na hindi ganoon kadaling gawin o ipatupad ang mga pangakong sinasabi nila. Ang importante ay ang “katapatan” ng dalawang aplikanteng ito. Si Senator Grace Poe, ay may “puso”, at si Mayor Rodrigo Duterte, ay may “tapang”. Isang babae at isang lalaki na maaaring inilagay ng Diyos para magsilbing “blocking force” sa presidential ambition ni VP Binay.

We “desperately” want changes. Sinayang at sinamantala ni former President Gloria Macapagal Arroyo and her cohorts, ang siyam na taon para laspagin at pagsamantalahan ang kaban ng ating bayan. Sinundan pa ito ng anim na taon ng “manhid” at “tangang pamumuno” ni President Benigno Simeon Aquino III na ganito rin ang ginawa, kung saan ipinaubaya niya sa mga incompetent at corrupt na ka-KKK ang kaban ng bayan.  Muli ba nating ibibigay ang pamumuno sa bansa natin sa mga presidential contender na may mabibigat na bagaheng dala-dala?



No comments:

Post a Comment