Tuesday, April 19, 2016

Mayor Rodrigo Duterte: A Unique Presidential Contender?


After gaining a highest percentage points in the latest survey in which Mayor Rodrigo Duterte overtook Senator Grace Poe, sa  kanya itinuon ng kanyang mga kalaban ang atake, particularly VP Binay and Secretary Mar Roxas who called him “Pambansang Berdugo” and “the judge, the jury and executioner’. Kung baga sa larong chess, naghihintay sila ng pagkakataong magkamali si Mayor Duterte para makaiwas sa posibleng pagkaka-check mate nila. And there came that “blunder”. Isang “joke” na maituturing na napaka-sensitibo sa pandinig ng sambayanang Pilipino particularly sa mga kababaihan. Kung baga sa political chess game, ito ang pagkakataon ng kanyang mga kalaban para tibagin ang pader na itinindig ni Mayor Duterte.  Using the social media, napakadaling kumalat ng mga kataga na namutawi sa bibig ni Mayor Digong, and now he is under siege.

Kung inyong  natatandaan mga kababayan at kabalat ko, isa sa naging puna ko kay Mayor Duterte noon ay ang kanyang binibitiwang pananalita. Dito ko nga nasabing kinakailangan niyang magkaroon ng “a certain degree of control”. Hindi naman masama ang magbiro at sa naoobserbahan ko, Mayor Rodrigo Duterte was a natural person who always cracked a joke when he talk. Katunayan isa ito sa pang-akit at nakakadagdag sa kanyang karisma. Pala-kuwento siya at sa pagkukuwentong ito, bigla niyang naisisingit ang mga sensitive jokes na hindi na niya nasasala.  This weakness was capitalized by his political nemesis now. Marami sa kanila ang nakisakay at ito ang hinihintay nilang tsansa para hilahin siyang muli pababa.

Personally, marami akong kilalang tao na nakakatulad ni Mayor Digong Duterte kung magsalita. Kung hindi mo sila totoong nakikilala, you can already draw a negative conclusion about their personality. Pero sa maniwala kayo at hindi, pinaka-responsible sa pamilya, disiplinado sa mga anak at good provider ang mga taong ito. Doon ko na-realized na hindi maaaring hatulan ang isang tao sa kung ano lang ang narinig mong sinabi niya. Ganito rin marahil si Mayor Digong Duterte. Hindi ko siya personal na nakikilala, pero sa aking nasasalamin sa kanyang pagkatao, siya lang ang hindi “plastic” sa mga kumakandidatong presidentiables. This made him a “unique presidential contender” in the history of our presidential election.

Many of us want changes. A drastic changes. Sawa na tayo sa mga pulitikong kunwari ay disenteng magsalita at panay lang ang ngawa pero natatapos ang termino na walang nagawang pagbabago. Siguro kung isusugal ko ang aking boto, why not for him?




No comments:

Post a Comment