Saturday, May 28, 2016

Bring Back to Life the Death Penalty


Hindi pa nakapanunumpa at nauupo sa Malakanyang si president elect Rodrigo Duterte, isa na sa mainit na isyung pinag-uusapan ay ang pagbuhay sa parusang kamatayan o death penalty. Actually, kilo-kilometrahe na ang naging debate ng mga mambabatas natin sa kongreso na pabor at di pabor sa isyung ito.  As usual, ang laging sinasabi ng mga kontra sa death penalty ay hindi raw ito deterrent, etc. etc, blah-blah-bla. Kabaligtaran naman ito sa sinasabi ng mga pabor. Para tuloy sila mga sirang plaka na paulit-ulit na lang ang mga sinasabi. Ito namang mga media practitioner, ang kukulit din. Iinterbiyuhin ang ilang kaparian na alam naman nilang di pabor sa death penalty, tapos kukunin ang panig ng Violence Against Crime and Corruption (VACC) na alam din nila na noon pa  ay pabor sa death penalty. Para bang mga dating manok na pinagsasabong nila ulit, kaya di kataka-taka na maumay na ang mga nakakarinig sa kanila. Tuldukan na natin ang pagtatalong ito. What is important now, is we have a new leader. A new president who have a strong conviction and very vocal about this issue. Kung na-pressure at “nauto” ng mga anti-death penalty group (some religious and human rights advocate) si President Gloria Macapagal Arroyo at ang “manhid” na Presidenteng si Noynoy Aquino, siguro ay di na nila kayang gawin ito kay president elect Rodrigo Duterte. Babae si GMA at isang di umano’y in between si Noynoy kaya parehong weaklings kapag death penalty na ang pinag-uusapan. They were an exactly opposite of Digong Duterte na binansagang “the punisher” sa isang international magazine kung saan nai-feature siya.

Nanganganpanya pa lang si Mayor Digong ay ito na ang kanyang “battle cry”. Death penalty sa mga taong gumagawa ng heinous crime, particularly sa mga drug lords. “Kung ayaw mong mamatay at ayaw mong pumatay, huwag kang mag-presidente.” Ito rin ang tandisang sinabi niya sa kanyang mga campaign sortie. A clear message na hindi pasusupil at paaawat si president elect Duterte sa dikta ng ilang mga nasa simbahan at human rights advocates na ang pino-proteksiyunan ay ang mga karapatang pang-tao ng mga pusakal na kriminal at hindi ang mga inosente at naaping biktima. Ito rin ang isa sa dahilan kaya maraming sumuporta at bumoto kay Mayor Digong. Sawa na ang taong bayan sa pagiging manhid ng gobyerno at di seryosong pagbaka sa kriminalidad. Nine years ni Gloria at six years ni Noynoy na “bineybi” ang mga pusakal na kriminal, rapist at drug lord sa Pilipinas. So, aasa pa ba kayong mga anti-death penalty group na makikinig sa inyo ang “the punisher” ng Davao at ngayon ay president elect ng ating bansa. Ang maipapayo ko lang sa mga anti death penalty group na ito ay tumabi-tabi na lang muna sa sulok. Huwag na muna silang umepal dahil they’re dealing now to a different kind of leader. Sabi nga ni Erap, weder weder lang.

Speaking of “pagbabago”, ang death penalty ang isa sa major change na ninanais isulong ng mga sumuporta kay president elect Digong Duterte. Actually, ang mga anti-death penalty group na ito ay hindi naman bumoto kay Mayor Duterte. Si Mar Roxas at VP Binay ang kanilang sinuportahan. Unfortunately, natalo sila pareho. So, what now? Give the pro death penalty a chance. . With president elect Rodrigo Duterte’s political will and strong decision, we expect that the death penalty shall “bring back to life”  from its grave.


No comments:

Post a Comment