President Rodrigo R. Duterte
Change
is coming. This is what we are expecting when our newly elected president took
his oath of office on June 30. Ganoon
man, hindi pa siya nauupo, meron na agad “chilling
effect” sa hanay ng mga kapulisan at mga sangkot sa droga ang kanyang
liderato na hindi nangyari sa mga
naunang administrayon sa kasaysayan ng pamumuno sa ating bansa. Sa mga news
headline ay kaliwat kanan na ang nababalitang raid sa mga suspected drug personalities
kung saan meron pang napapatay. Isang indikasyon na tila nagkakaroon na ng “cleansing process” ang mga taong
nauugnay sa usapin ng droga. Sa mga binitiwang pananalita kahapon ni newly proclaimed
president Rodrigo Duterte, nakikita ko ang isang seryosong lider. Sa harap ng
kanyang binubuong gabinete na tinawag niyang “co-workers in government” ay tandisan niyang ipinaramdam ang mga
pagbabagong kanyang gustong mangyari.
Drugs and corruption ang pangunahin pa rin niyang concern when he talked.
Dalawang problema na maituturing na “stage
4 cancer” sa ating lipunan at gobyerno. Ang illegal drugs ay nanunuot na mula sa pinakamalalaking
lungsod hanggang sa kaliblib-liblibang barangay
sa ating bansa. The same with corruption problem in our government. Ang
dalawang ito ang “salot” na patuloy
na humihila sa ating mga mamamayan sa pagdurusa at kahirapan. Salot na bineybi
at inalagaan ng mga naunang liderato dahil sa pagiging manhid at kalamyaan ng
kanilang estilo. But with President elect Digong Duterte’s style of leadership,
I knew that all of this problem may lessen gradually, if not eradicated
totally.
Ang isa sa hihintayin kong kaganapan sa
administrayong Duterte sa hinaharap ay kung ano ang kanyang magiging estilo
kapag meron na siyang mga appointed co-workers in government na masasangkot sa
katiwalian. Dito ko siya sisimulang graduhan. How he react, how he handle the situation and how he treat his appointees. Dededmahin lang ba niya ito?
Ipagtatanggol ba niya ito? Ililipat lang ng ibang departamento? Ipo-promote pa?
O, sisipain niya sa puwesto? Sa administrasyon ni President Benigno Simeon
Aquino III, he became the protectors of his appointees. Kahit kabi-kabila na
ang bintang na katiwalian at kapalpakan sa kanyang cabinet secretaries,
nananatiling “manhid” siya sa
komentaryo at sigaw ng sinasabi niyang “boss” daw niya. Mas matimbang sa kanya
ang kanyang mga ka-KKK, even in the eyes of the people, they were a bunch of
corrupt and liars.
As I
saw, elected President Rodrigo Duterte is totally different. As I’ve said, he
is the most unique presidential contender sa hanay ng mga kumakandidatong
presidentiables noon. Gaya ng nasabi ko na rin noon sa mga nauna kong artikulo
bago nagka-eleksiyon, “Kung papalaring
maging presidente ng bansa si Mayor Rodrigo Duterte, at his age now, he had a
chance to make his name more unforgettable to Filipino people. By making
possible those dreams that we are longing for, people themselves can elevate
him to greatness. Life is too short for him, and I knew that Mayor Rodrigo
Duterte can grab that opportunity of a lifetime, na hindi nagawa o ginawa ng
mga nauna nating leader. I prayed to GOD in helping and guiding us to choose our
leader, who can produce “big changes.” If Digong Duterte is that man, so be it.”
No comments:
Post a Comment