Saturday, May 7, 2016

The Attack Dog, the Paranoid and the Prophet of Doom in the Presidential Election, 2016

The Attack Dog
 The Paranoid
The Prophet of Doom

Noong una, medyo natigilan ako at nagmuni nang ilantad ni Senator Trillanes ang mga bank account diumano ni Mayor Digong Duterte na naglalaman ng daan-daang milyong salapi. Naisip ko na isa na naman ba itong Binay na nagtatago sa isang maskara? Dahil dito, pinag-aralan ko ang lahat ng mga sinasabi ni Trillanes kung siya ba ay “Poe-tector” ni Senator Grace Poe o  “attack-dog” ng Malakanyang. Habang tumatagal, nakita ko ang pagiging arogante niya at kawalan ng kredibilidad sa kanyang mga sinasabi. Mistula siyang mangingisdang “namimingwit” mula sa “pain” na ibinigay ng iba,  at nagbaka-sakaling kakagat dito ang isda na gusto niyang mabingwit. Kung kumbinsido ako sa plunder case na isinulong ni Trillanes kay VP Binay sa senado, sa kanyang “instant accusation” kay Mayor Duterte ay hindi. Bukod sa mga testimonial and documentary evidence, hinimay ito at binusisi sa senado. Sa isang nakaka-intindi ng batas, madaling mag-akusa, pero ang patunayan ang alegasyong ito ay mahirap tumindig sa korte. Common sense dictates na malinaw pa sa sikat ng araw na isa lang itong “dirty political tactics” at “huling hirit” na paninira gaya rin ng mga paid political ads sa telebisyon na ginawa at inamin ni Trillanes using children to destroy Duterte’s image. Mas dapat tawaging attack dog  nga ng Malakanyang at ni Secretary Mar Roxas si Senator Trillanes at hindi Poe-tector. Malaki ang paniniwala ko na sa halip na “mabawasan ang yaman” ni Senator Trillanes dahil sa kanyang gastos sa pangangampanya, mas “lolobo” ito at madagdagan pagkatapos ng presidential election.  Kung bakit? Bahala na kayong mag-isip at paganahin ang inyong imahinasyon. Hindi lang sa mga botanteng Pinoy merong mga “mercenaries” marami ring ganito sa ating mga kumakandidato kuno, pero may lihim palang agenda sa kanilang pagtakbo.

Isa pa sa naging bunga ng presidential election 2016 sa mga kumakadidatong presidentiables at kulelat sa survey ay ang pagkakaroon nila ng “paranoia” particularly ang amo ni Secretary Mar Roxas na si President Benigno Simeon Aquino III. Sa labis niyang takot na manalo si Mayor Digong Duterte sa pampanguluhang eleksiyon, kung ano-anong “nightmare” ang dumadalaw sa utak.  Ito namang si Secretary Mar Roxas ay biglang naging instant manghuhula at mistulang “prophet of doom” na ipinagsisigawang katapusan na ng demokrasya sa Pilipinas kapag nanalo si Mayor Duterte.  Para bang gusto nilang palitawin na sa bawat salitang namumutawi sa bibig ni Mayor Digong, biro man ito o hindi, ‘yun na ang ibig nitong sabihin. Ganito ang paghatol na ginagawa nila na kaibayo sa pamamaraan ng Diyos. “God reads the soul and not the face. He hears the thoughts and not the tongue”

Sa isang demokrasyang bansa, ang kalayaan ay ginagarantiyahan ng ating saligang batas. Kaya nga meron tayong kalayaang pumili ng ating magiging lider, ano mang prinsipyo, paniniwala, relihiyon o ideolohiya siya nakakiling. Ang eleksiyon ay isang democratic process na nanghihikayat sa sinumang Filipino na malayang makilahok dito at talikuran ang armadong pakikibaka. Nang makita ng mga kalaban ni Mayor Duterte na nakipag-usap ito sa lider ng mga New People’s Army para mapalaya ang ilang pulis na nabihag ng mga rebelde, ginamit nila itong kasangkapan at nagkaroon agad  ng “conclusion” na magiging komunista na ang ating bansa sa ilalim ng pamamahala ni Duterte. Si President Benigno Aquino III ba ay hinatulan nating “taksil” sa bayan sa pakikipag-usap at pagbibigay ng milyong salapi sa mga lider ng rebeldeng MILF sa Japan at pag-pabor niya sa BBL? So walang basehan ang mga multong ginagawa ng mga supporter ng Aquino-Roxas-Trillanes camp. Ang pagiging left-leaning ni Duterte ay hindi sapat na pruweba para hatulan siya at paniwalaan ang mga idino-drawing ng kanyang kalaban na ang tanging layunin ay hilahin si Digong pababa. What the Filipino people want nowadays is CHANGES. Mar Roxas who adopted the illusion of the “tuwid na daan” ni P-Noy cannot deliver this changes. It’s a failure of the administration where he belong. Only Poe and Duterte can give that changes. Kung sino man sa dalawang ito na nagsisilbing blocking force ng tadhana para madiskaril ang presidential ambition ni VP Binay  na manalo, so be it. Ito ang kaloob ng tadhana.

Abangan na lang natin ang magiging resulta mga kababayan at kabalat ko sa Mayo 9.



No comments:

Post a Comment