Tuesday, July 5, 2016

Naghihirap na Masang Filipino May Nasumpungan na bang Hero?


(An edited image of Digong  Duterte
borrowed from  the FB wall 
of one of the Netizen)

Out of desperation, taong 2013 nang masambit  ko sa isinulat kong artikulo-komentaryo sa blog kong ito ang katagang  “NAGHIHIRAP NA MASANG PILIPINO, WALANG MASUMPUNGANG HERO?”. Now, after more than two years, narinig ng DIYOS ang aking panalangin. Dito ko lalong napagtibay sa aking sarili ang kapangyarihan ng panalangin. It’s the power of prayer kaya nahabag ang Diyos. Out of nowhere, isang “promdi” at “reluctant” presidential candidate na nagngangalang Rodrigo Roa Duterte ang itinanghal na bagong presidente sa ating bansa. Naniniwala ako na siya ang itinadhana ng Diyos para tugunin ang matagal ko nang ipinagsusumamo sa aking panlangin, kasama ang mahigit sixteen million voting populace na bumoto sa kanya.  Ang magkaroon tayo ng isang “hero”. Isang hero na “tapat,” matapang” at “may political will”. Lider na magiging modelo ng kanyang mga tauhan para sundan ang kanyang mga yapak at umayon sa kanyang kumpas na hindi nagawa ng mga nauna nating presidente.

Bigla ko tuloy naalala ang nabasa kong kasaysayan ng propetang si JONAS sa Bibliya. Isang taong kinausap at inatasan ng Diyos para maging "hero" sa bayan ng NINIVE na nakalugmok din sa talamak na kasamaan at kasalanan. Sa halip tumalima, mas ninais ni Jonas na umiwas, pero ano ang nangyari? Sa kanyang paglayo para takasan ang iniaatang na tungkulin ng Diyos, isang malaking balyena ang lumunok sa kanya habang naglalakbay sa dagat. Nang iluwa si Jonas ng balyena, nasa aplaya na siya ng Ninive, ang bayang kanyang iniiwasan. Dito niya napagtanto na hindi niya kayang iwasan ang itinadhana sa kanya ng Diyos.

Ganitong-ganito ang nangyari kay President Digong Duterte.  Urong-sulong ang mga naging pahayag niya na tatakbo siyang presidente. Halos last minute na lang niya napagtanto na dapat siyang kumandidato. Si Jonas ay hindi isang perpektong tao. Meron din siyang kapintasan. Hindi ba’t ganito rin si Digong Duterte? Maraming pumuna at bumatikos sa kanyang pagmumura, at pagsasabi ng mga sensitibong jokes. Pati na nga ang pag-pito niya sa isang TV reporter ay ginawang isyu. Pero gaya ng nasabi ko “God reads the soul and not the face. He hears the thoughts and not the tongue”. Tanging ang Diyos lang ang maaaring kumilatis sa tunay nating  pagkatao dahil ang paningin ng Diyos ay tumatagos sa ating mga kaluluwa. Ito ang hindi nakikita ng ating mga naked eye. 

Changes is coming wika nga. Ito ang naging bukang-bibig ng nakararami sa pagkakaluklok ni President Rodrigo Duterte. Pagbabagong hindi natin maitatanggi na nangyayari na  hindi pa man siya nauupo sa puwesto. Ganoon man, “the devil, and Satan’s advocates” in our country and society was still active. Sila ang "kinakasangkapan" ng Diablo habang nakakubli sa kanilang mga baluti bilang alagad ng Diyos, human rights advocates, etc. Sila na nagtatanggol sa karapatan ng mga kriminal na nagpapalaganap ng droga at sumisira sa buhay at kinabukasan ng ating mga anak. Mga karapatan ng nanggagahasa at brutal na pumapatay sa mga bata at kababaihan. Mga karapatan ng taong mandarambong sa kaban ng bayan, ect, etc. Dito natin masusubok ang tatag at tunay na tapang ng isang hero na ibinigay ng Diyos sa atin. Isang hero na handang ipangtanggol ang mga inosente laban sa masasamang elemento ng lipunan. Isang hero na patriotiko at mas uunahin ang kapakanan ng bayan at mamamayan kaysa negosyo at corporate greed ng mga kapitalista. Isang hero na kakalinga, dadamay at aalo sa naghihirap nating mamamayan.

Nagsisimula pa lang ang laban. Totoong marami pang pagsubok na haharapin ang administrasyong Duterte sa hinaharap pero sa aking nakikita, he is in the right track. He is not as intelligent as those presidentiables who brag their academic excellence, but he is very intelligent leader in the eyes of GOD. Sa kanyang pagsasalita, hindi na kailangan ni President Duterte ang mga speech writer na mahilig mag-imbento ng mga slogans na ang tanging layunin ay ibenta o ilako ang presidente kahit walang laman ang sinasabi. President Digong Duterte’s voice is like a “thunder” to his constituents. Mahinahon pero may madaramang dagundong. Katulad din ito ng ungol nang isang Leon na kapag umatungal ay kinatatakutan at pinangingilagan. Ito an gating hinahanap sa ngayon. Katangiang ibinigay at idinagdag marahil ng Diyos sa kanya para maging isang epektibong “super” hero sa bansang katulad ng Filipinas. Isang bansang pinaghaharian ng mga “kriminal, drug lords, ganid, mandarambong at corrupt public officials. Nagre-rely ako sa sinabi ni President Rodrigo Duterte na “If you destroy my country, I will kill you. If you destroy our children, I will kill you.” A patriotic word na ngayon ko lang narinig sa naging presidente ng minamahal naming bansang Filipinas. A word coming from our GOD given hero. 


Manalangin Po Tayo

Panginoon po naming Diyos, itinataas po namin ang aming mga kamay para magpuri at magpasalamat sa iyo. Bagamat wala pa pong kasiguruhan sa magiging takbo ng anim na taong pamamahala ng aming bagong presidente, Rodrigo Roa Duterte, alam namin na IKAW ang gumagabay at ang kalooban mo ang naghahari sa kasalukuyan. Sa isang bansang pinalubog sa katiwalian ng mga nagdaan naming lider, totoo pong mahirap bunutin ang “ugat” nito na nagbalantukan na at  naging kasing tigas ng adobe. Pero wala pong imposible sa iyo o, Diyos naming makapangyarihan sa lahat. Sa tulong mo, gaano man katigas ang isang bagay ay makakayang palambutin at gaano man ito kadikit ay makakayang baklasin ng isang katangi-tanging hero o bayani na inilagay mo sa aming unahan. Isa lang ang hinihiling namin sa IYO o, Diyos, gawin mong “lantay sa ginto” ang puso ng mga namumuno sa amin upang hindi makayang silawin ng materyal na gintong sa kanila ay iaalay ng mga alagad ng kasamaan. May mga pagbabago na kaming nakikita at natatanaw. Mga positibong pangyayari at kaganapan na nagbibigay pag-asa sa amin. Ganoon man, gaya ng nasabi ko, marami pa pong pagsubok na darating. Ito ang susukat sa kakayahan at katapatan ng aming bagong hero. Nawa’y maihatid niya ang “laban” na kanyang pinasimulan hanggang sa katapusan ng kanyang termino. Proteksiyunan mo po siya laban sa mga masasamang elemento na nagbabalak ng kapahamakan sa kanya. 

Ang lahat po ng ito ay hinihiling namin sa IYO, o dakilang Diyos, sa pangalan ng aming panginoong Hesukristo.

Amen

No comments:

Post a Comment