Thursday, July 28, 2016

Con-Ass, Panukala ng mga Assholes na Mambabatas?


Ang pagbabagong gagawin sa ating saligang-batas kung saan sasalingin nito ang porma ng ating gobyerno (from presidential to parliamentary) ay isang malaking “changes” na nangangailangan ng sapat na panahon. Kung babaguhin ito, ang isa sa pinaka-ayaw ko ay ang pakialaman ito ng mga “assholes” na nasa kongreso. Sila na nagsasabing ang constituents assembly o con-ass ang pinaka-mabilis at pinakamurang pamamaraan para baguhin ang ating constitution. Tila baga isa itong “ordinaryong paninda” na gusto nilang bilhin ng mura at over the counter lang. Kapag ganito ang katuwiran ng isang congressman o senador na makakausap natin, parang ang sarap batukan, sampalin sa mukha at sigawan ng malakas na, “hoy gising!  Ang ating constitution ang pinaka-kaluluwa ng ating bansa. Dito nakasalig ang buhay at magiging kinabukasan ng ating mamamayang Filipino sa hinaharap.  Bakit kailangang daanin ito sa bilis at pagiging mura? Maaari ba nating tipirin ang isang bagay na “pinakamahalaga” at  magiging  sandigan at kaluluwa ng ating bansa?

Alam ng nakararaming mamamayang Filipino na ang ating mga mambabatas ay may bahid ng pagiging “bias”. Karamihan sa kanila ay mga “trapo”, kabilang sa political clan/dynasty  at higit sa lahat, sariling mga interes ang ninanais isulong at protektahan. Kung sa kanilang  kamay ipauubaya ang pagbabago o pag-iimyenda ng ating saligang batas, may posibilidad na “salahulain” lang ng mga assholes na ito ang ating constitution.  Ang kailangan natin para bumalangkas sa ating saligang batas ay mga tao, o grupo ng mga tao na kilala sa kanilang integrity. Mga tao na may sapat na “talino at kasanayan” sa  “paghimay, pag-aanalisa at pagsusuri” sa bawat katagang isusulat o itatala sa ating saligang batas. Higit sa lahat, isang tao na “maka-Diyos, makatao at makabayan” na ang interes, kabutihan at kapakanan ng ating bansa at mamamayan ang iniisip.

Hindi ko minemenos ang talino ng karamihan sa mga mambabatas sa ating kongreso at senado, pero mas mainam siguro na mag-back off na lang sila at hayaan ang mga tao na maghalal ng mga delegadong sila mismo ang pipili. Walang katumbas na halaga ang babalangkasing saligang batas, kaya hindi ito nararapat madaliin at tasahan sa kung saan tayo makakamura o makakatipid. Ito ay mentalidad ng mga taong “negosyo” at hindi “bayan” ang iniisip. So, what did we expect from them? Or the finish product that they possibly produce or cook? A “lutong makaw” na saligang batas dahil minadali at mura.

Ito ang hindi dapat payagan ng ating mga kabalat at mamamayang Filipino. Ang ipaubaya ang  buhay at kinabukasan ng ating bansa at mga mamamayan sa mga  taong “tainted” sa pagiging bias sa pulitika,  pagiging balimbing, at pagkakaroon ng sariling interes na gusto nilang protektahan. Mga “matatalinong tuso”, kung saan ang isang malinaw na probisyon ay pinalalabo, pinalalabnaw at sadyang binubutasan para magamit sa mga usaping legal na kailangan pang pagdebatihan sa Supreme Court ang interpretasyon sa hinaharap.  Mga  “pulitikong dummy” ng malalaking korporasyon na tanging vested interest ang ninanais para sa kanilang pangangalakal sukdulang masira ang ating likas na yaman at kapaligiran.

Manalangin Po Tayo

Panginoon po naming Diyos, muli po kaming lumalapit sa IYO.  May mga nagpapanukala po ng pagbabago sa sistema ng aming gobyerno. Ito po ang pangunahing changes na isinusulong ng bago at kaluluklok naming lider, si President Rodrigo Duterte. Nakikita po naman namin na he is in the right tract. Sa napaka-ikli pong araw at Linggo ng kanyang panunungkulan, marami na po kaming nakitang pagbabago and we are very glad to see it. His relentless drive against drugs was very effective. First in the history of any countries in the world na dito lang nagkaroon ng exodus ng mga durugista na nagsukuan. Although merong mga nasasawi, it’s  just “a tip of the iceberg” wika nga sa dami ng addict (milyon) na namumuhay sa aming bansa. Ito ay pagpapatunay lang na ginagawa ng aming lider ngayon ang kanyang mga sinasabi. But most of all, ginagamit niya ang kanyang “common sense” na wala o kulang sa mga nauna naming presidente.

Nangangampanya pa lang, hayagan ng ipinahayag ni President  Digong Duterte na gusto niyang mabago ang porma ng gobyerno sa aming bansa. Wala po naman kaming tutol dito kung ito ang makalulunas sa problema ng mga hidwaan at armed conflict na nangyayari sa aming bansa. Kaugnay nito, nangangailangan po ng malaking over-hauling sa aming kasalukuyang constitution. Dito po ako nangangamba o Diyos na makapangyarihan sa lahat. Kung babaguhin po ito, kami po sanang mga taong bayan ang hayaang makapili at makapaghalal ng aming mga delegado. Delegadong babalangkas at susulat ng bago naming saligang batas. Hindi ang mga taong nasa kongreso na ang ninanais ay pabilisin at tipirin ang bubuuing saligang batas.  Our constitution is “priceless”. It is the soul of our country and our countrymen. Walang halagang maitutumbas dito dahil hindi lang ang kasalukuyan, kung hindi ang hinaharap ng aming bansa at mga susunod na henerasyon ang nakasalalay dito.

Sana, mamulat at imulat mo po o, Diyos, ang mga nakaluklok ngayon sa aming gobyerno. Na huwag nilang salahulain ang muling pagbalangkas sa aming saligang batas. Kung sakali naman po na mabigyan kami ng pagkakataon na makapaghalal ng delegadong muling babalangkas sa mga babaguhing probisyon ng aming  constitution, gabayan at ibigay mo po sa kanila ang karampatang “wisdom” para makasulat ng isang makabuluhan, kapaki-pakinabang at angkop sa panahong saligang batas.

Hinihiling po namin ito sa IYO, O, Diyos naming makapangyarihan sa lahat, sa pangalan ng iyong anak at panginoon naming si Hesukristo.

Amen

No comments:

Post a Comment