Sunday, July 17, 2016

Exodus ng mga Durugista, kay President Digong Duterte na Pamamahala .


DRUGS and CORRUPTION. Dalawang “salot” na naging “magka-buddy” sa ating bansa sa matagal na panahon. And speaking of drug syndicate, nang ipa-firing squad ni President Ferdinand Marcos ang drug lord na si Lim Seng, nagsilbing deterrent ito para mahinto pansamantala ang sindikato ng droga sa Pilipinas. Subalit sa mga nakalipas na liderato nina CORY, FVR, ERAP, GMA at NOYNOY, ang droga sa ating bansa ay muling nagsupling, namukadkad at ganap na lumaganap sa proportion na halos wala ng pag-asang masugpo. Kaakibat nito ay ang pagiging talamak din ng corruption sa ating pamahalaan. Mula sa pinakamababang Barangay hanggang sa pinakamataas na sangay ng ating gobyerno ay talamak ang katiwalian. Mga pulitiko, mambabatas, heneral, huwes at hukom, at mga abugadong de-kampanilya ang kanilang “protector” at “katuwang” sa pagwasak sa ating mga mamamayan. Sila ay nasilaw at nabili ng milyon-milyong drug money kahit alam nilang nakalublob sa “kumunoy” ng droga ang ating mga kabataan.

Now that we have a strong leader (President Rodrigo Duterte) who hated drugs so much and made a promise to his countrymen to kill those people who destroyed our children, may ilang sector pa rin na gusto siyang patigilin sa kanyang ipinangakong gagawin. Hindi pa nakaupo si President Digong sa Malakanyang, nabulabog na sa kanilang mga lungga ang sindikato ng droga sa Pilipinas, particularly sa loob mismo ng Bilibid prison na naging sanctuary nila sa ilalim ng administrayong Benigno Simeon Aquino III at ng kanyang alter ego at former Justice Secretary, Laila De Lima . Hindi nila akalaing magkakaroon tayo ng isang presidenteng sobra ang poot sa kanila. Agad silang nakadama ng “chilling effect” sa magiging liderato nito. 

Nang makapanumpa bilang pangulo ng ating bansa si President Rodrigo Duterte, naging mabilis ang pagtugon ng kanyang itinalagang PNP Chief sa pagsugpo sa krimeng may kinalaman sa droga. Kaliwa’t kanan ang mga napapabalitang police operation kontra-droga, kung saan maraming napatay na durugista sa encounter. Ang naging problema lang, may mga “vigilantes” na nakisawsaw kung saan mga taong involved din sa droga ang kanilang sina-salvage. Idagdag pa dito ang mga “police drug protectors” at bayarang “hitman” ng mga drug lords para patahimikin ang kanilang mga alagad na posibleng magturo at ipahamak sila. So, apat na armadong grupo, (legitimate police operatives, vigilantes, police protectors and drug lords mercenaries (hitman) ang tumutugis ngayon at nag-uunahan sa pag-paslang sa mga durugista at “tulak ng droga”. Ang pagkakaiba lang nito sa mga krimeng nagaganap noon sa naunang administrayon, sa halip na mga inosente ang biktima, ang karamihan sa napapaslang ngayon ay mga taong sangkot at may direktang kinalaman sa droga (user, pusher, drug lord). Ano ang naging epekto nito sa mga adik at nagtutulak ng droga? For the first time, in the history of our country (isama na natin ang ibang bansa) sa Pilipinas lang nagkaroon ng ganitong “exodus ng mga durugista.” Hundreds and thousands of drug addicts (user and pusher) ang sumuko at nangakong magbabagong buhay. Sa nangyayaring ito, sino ngayon sa mga anti-death penalty proponent ang magsasabing hindi “deterrent” ang death penalty sa mga kriminal? Hindi ba takot ang umiral sa mga durugistang ito kaya sila nagsukuan? Lalo na sigurong tatahimik sa ating bansa  kapag tinupad ni President Duterte ang kanyang sinabi noon na bibitay siya ng 50 death convicts kada Linggo kapag naisabatas muli ang death penalty sa ating bansa. Kung noon ay wala akong nasisilip na liwanag sa gitna ng dilim at nakalambong na droga at kriminalidad sa ating bansa, ngayon ay meron na. Salamat po Mr. President Rodrigo Duterte and PNP Chief General “Bato” Dela Rosa.  

Gaya ng nasabi ko, hindi lahat ay natutuwa sa mga nagiging kaganapan. May ilang sector at grupo na nagsasabing sila ay nababahala sa mga nangyayari. Ang iniisip nila ay may nalalabag di umanong karapatang pang-tao sa biktimang adik (user) at mga tao na ginagawang adik (pusher and drug lords) ang ating mga kabataan (at katandaan). It’s their job and vocation, anyway. Sabi nga ni President Duterte, gawin nila ang kanilang trabaho at gagawin din niya ang kanyang trabaho ayon sa kanyang mandato. 

Sa isang bansang nilagom ng droga at katiwalian, ano pa kayang mabilis na solusyon ang maaaring gawin ng isang bagong lider na naghahangad ng mabilis na pagbabago? Pagbabagong isinisigaw ng mahigit labing anim na milyong bumoto sa kanya. Ang labanan ang galamay ng makapangyarihang drug syndicate habang nakatali ang isang kamay at naka-piring ang isang mata? No way. Hindi dapat pakinggan ng ating bagong presidente at ng kanyang itinalagang PNP chief ang hinihiling ng iilang tao na itigil ang operasyon nila kontra-droga. Mas nararapat pa nga nila itong paigtingin at itodo sa kanyang pinaka-maximum limit.  

Kung tutuusin wala pang isang libong drug addict, pusher at  drug lords ang napapaslang. Ito’y kakarampot pa lang at masasabing ga-butil sa tinatayang humigit kumulang na isang milyon at kalahating drug dependent sa ating bansa. Isang milyon at kalahating adik na nagbibigay  panganib sa buhay at pamumuhay ng mga inosenteng mamamayan. Isang milyon at kalahating adik na dahil sa droga ay nakagagawa ng mga karumal-dumal na krimen (massacre, rape, pagnanakaw, pagpatay at iba pang krimen). Hahayaan ba ng bago nating lider na mangyari muli ito? Kung si President Digong Duterte na nagpakita ng matigas na tindig at tinig sa makapangyarihan at dominanteng  relihiyon sa ating bansa, sa iilang sector pa bang ito na gaya ng CHR at Anti-Death Penalty Group siya yuyukod? Alalahanin ninyo na si President Duterte lang ang nagkaroon ng “balls” na pangalanan ang limang heneral sa ating kapulisan na sangkot at protector ng droga. Ang inaabangan ko ngayon at ng maraming mamamayan ay ang gagawin ni President Duterte na pagbubunyag sa mga pangalan ng mga pulitikong di-umano ay protector din ng mga “big fish” na drug lords. 

How do I wish na sana ay ilantad din ni President Digong Duterte at hubaran in the near future ang mga hukom at huwes na nagsisilbing “hoodlum in robes”. Sila kasi ang nagsisilbing “anay” sa ating justice system kaya nananatili itong “bulok” at hindi maaasahan ng mamamayang Filipino. Ito na rin ang pinaka-sanhi kaya ang mga vigilante sa ating bansa ay nagsusulputan at “instant justice” ang pina-iiral sa mga kriminal at salot ng ating lipunan. Sawa na sila sa “mabagal”, “nakakapagod” at “usad pagong” na sistema ng ating hustisya. 


No comments:

Post a Comment