Saturday, August 6, 2016

The Bitter, the Paranoid the Creative, the Proud and the People with No Common Sense in President Duterte’s War on Drugs.

President Rodrigo Duterte showed the list of the 
people in government who are either 
drug lord, or protector of drug
syndicate in the
Philippines

For the love of his country and of his countrymen. Ito ang nakikita at nasasalamin ko kaya ang isang reluctant presidential candidate noon  and now  President Rodrigo Roa Duterte ay tinanggap ang hamon at nagtagumpay. Sa iilang araw at Linggo pa lang niyang panunungkulan, nasaksihan na natin ang kanyang liderato. And because of his brave pronouncement and strong political will in declaring war on drugs, nagawa niyang yanigin ang lungga ng mga sindikato  ng droga sa ating bansa. Their relentless drive made the “drug rats” scampered and flee, but because it is a war, hindi maiiwasang magkaroon ng mga mapapapatay. Common sense dictates na kapag may giyera, naturalmente na merong mga casualties. But some media entity (print and broadcast) started to made their own tally board na hindi naman nila ginagawa noong ang mga pusakal na kriminal ang pumapatay ng mga inosenteng biktima araw-araw.

For a short period of time (less than a month) nagawa ni President Digong Duterte ang hindi kayang gawin ng mga naging presidente natin sa mga nakalipas na panahon. (FVR (6 years) Erap (3 years), GMA (9 years) and Noynoy (6 years).  Kapag pinagsama-sama ang panahon ng kanilang panunugkulan humigit kumulang na 24 na taon ang nasayang. Panahong ginamit ng mga drug lords para maghasik ng kamandag sa pamamagitan ng kanilang mga kalakal na droga at wasakin ang kinabukasan ng ating mga kabataan at mamamayan. 24 na taon ng pamamayagpag sa tulong  ng mga corrupt police generals, national and local executives, lawmakers, judges and justices down to the Barangay officials. But, President Duterte made the impossible, possible. Ang kanyang matapang na pahayag at pananalita ang nagsilbing “kulog at kidlat” na kinasindakan ng mga nasa sindikato ng droga. And, we are shocked at the result. Ngayon natin napagtanto na ganito na nga pala kalawak at kalala ang kamandag ng droga sa Pilipinas. Ngayon lang din natin nakilala ang ilang police generals at Narco politician (Mayors)  na protector ng sindikato ng droga sa Pilipinas.. Ganoon man, hindi lahat ay natutuwa sa mga nagiging kaganapan. Meron pa ring iilang bitter sa pagkapanalo ni President Rodrigo Duterte, mga taong paranoid, creative, proud and some who have no common sense.

Sa mga taong “bitter”, kahit maganda ang nakikita nilang performance ng ating presidente Rodrigo Duterte, nakatanim pa rin sa utak nila ang pagka-disgusto. Hindi kasi ang mga manok nilang presidentiables ang nanalo sa eleksiyon. Meron namang hindi gusto ang personalidad ni President Digong at antipatiko sa kanila ang dating nito. So, naghahanap sila ng mga butas para merong maibato o maipuna.

Sa mga “paranoid” naman kabilang ang mga taong nagsasabi na bumabayad daw ang pulisya ng mga vigilante para gumagawa ng summary execution laban sa mga drug addicts and pusher. Mga taong ang nasa isip ay nagtatanim din ng baril at droga sa bangkay ng mga napapaslang na biktima kahit legitimate pa ang mga operation ng mga pulis. Mga taong laging may “duda” sa isip.

Ang mga “creative” naman ay ang mga taong gumagawa o nagdo-drawing ng kuwento o kathang isip sa mga nakikitang pangyayari. Binibigyan nila ng kulay at drama ang isang eksena para tumawag ng pansin sa mga tao na makakakita, locally and internationally. Ang isa ditong example ay ‘yung pag-gamit nila ng larawan ng isang misis, habang yakap at iniiyakan sa kanyang kandungan ang asawang drug addict na nabiktima ng summary execution. Inihahalintulad nila ito sa larawan ni Virgin Mary at ni Jesus Christ (Pieta) just to earn sympathy.

Ang mga tao namang “proud” o nagmamagaling ay, yung mga nagsasabing hindi raw solusyon sa war on drugs ni President Digong ang pagdanak ng dugo o pagpatay sa mga drug offenders. Isa ditong halimbawa si former Secretary of Justice and now Senator Leila De Lima. Sa kanyang privilege speech sa senado, sinabi niyang “there is some other way to fight drugs”. Ano ‘yung some other way na tinutukoy niya? “Kilitiin at kurutin” ang mga drug lords, addicts and pusher? Nagmamagaling si De Lima pero wala naman siyang maibigay na alternatibo o epektibong  pamamaraan. Sa 6 years nila ng amo niyang walang common sense na si President Noynoy Aquino, may ginawa ba siya o sila? WALA. Ito ang dahilan kaya minana pa ni President Digong Duterte ang kanilang mga “kalat” na sanhi ng kanilang kapabayaan at kapalpakan particularly sa ating New Bilibid Prison.

Sa mga taong “walang common sense” nakahanay ang ilang nanunungkulan sa Commission on Human Rights (CHR). May nagsasabi sa kanila na bakit daw hindi na lang sa kamay o paa barilin ng mga pulis ang mga drug addicts, pusher and drug lords na lumalaban? Tunggak, gago at bopol ang mga nagsasabi ng ganito. Common sense dictates na kapag may naka-encounter kang armed and dangerous (in addition to this, bangag o nasira na ang ulo sa epekto ng droga), kahit hindi pa  ipinupuntirya sa iyo ang baril, you have to shoot him or else, ikaw ang mapapatay in a split second na mahuli o magdalawang isip ka. Sa isang encounter na nagkakabarilan na, hindi na rin maaaring isipin kung saan mo tatamaan o patatamaan ang iyong kalaban, o kung sharp shooter ka o hindi. Buhay at kamatayan mo ang nakataya and if you want to survive, you have to react quickly. Hindi isang tuod o “shooting target” ang kalaban ng mga pulis sa kanilang war on drugs. Sila ay gumagalaw at handang pumatay.

War means giyera. At kapag may giyera, maraming magiging casualties and possibly collateral damages. Ito ang reyalidad ng buhay na dapat tandaan at isa-isip ng mga bitter, paranoid, creative, proud at walang common sense na pumupuna at nagpapatigil sa digmaang idineklara ni President Rodrigo Duterte. Mga taong akala nila ay mga “santo at santa” sila na gumagawa ng social work sa gitna ng giyera. Mga taong nagsasabing tanging ang Diyos lang ang may karapatang kumitil ng buhay ( at ang mga pusakal na kriminal na lulong sa droga at nagmama-saker o nang-re-rape at pumapatay). Mga taong “indirectly” ay nagiging protector ng mga drug and criminal offenders dahil sa pagsasabi nilang kahit kriminal ay  meron pa ring human rights ayon sa itinatadhana ng batas. To hell with you, folks. Hindi kataka-taka na yumabong, kumalat at naging safe haven ng mga drug lords ang Pilipinas. Hindi ba ninyo alam (o alam ninyo pero wala kayong common sense) na nagiging katuwang kayo ng mga demonyong addict, pushers and drug lords sa pagsira o pagwasak sa ating bansa at sa kinabukasan ng ating mga anak o kabataan?

Between President Rodrigo Duterte and the 16 million voting populace na nagluklok sa kanya bilang pangulo ng ating bansa at sa inyong mga bitter, paranoid, creative, proud at walang common sense na pumupuna at nagpapatigil sa kanyang war on drugs,  sino ang masasabing “tunay na nagmamahal” sa ating bansa at sa kanyang mga kababayan? Kayo o si President Rodrigo Duterte?


No comments:

Post a Comment