Tuesday, August 23, 2016

Common Sense as an Effective tool in Leadership


Kumakandidato pa lang si President Digong Duterte, nabanggit niya noon na kung sakaling magiging presidente siya, pamamahalaan niya ang bansa gamit ang kanyang “common sense”. Bilang isang sociologist at silent observer sa mga ginagawa, sinasabi at ipinatutupad ng mga nauna na nating  lider, agad akong nagmuni. Ganitong klase o uri ng presidente ang nararapat at panahon na para maluklok sa puwesto. And the rest is history. We have now a simple, unique and effective leader who used his common sense as a tool in governing our country, particularly the executive branch of our government.

On the contrary, tila hindi ito ina-adopt sa ating judiciary. Common knowledge na ang pagkakaroon ng mga “tamad”, “kunsintidor” “pabaya”, “corrupt” at “walang common sense” na judges and justices sa ating hudikatura. Since time immemorial sila ang dahilan kaya patuloy sa pagiging bulok ang sistemang umiiral sa judicial branch ng ating pamahalaan.  Speedy trial, ito sana ang dapat pairalin sa lahat ng korte sa buong Pilipinas. Unfortunately, isa itong “patay” na katagang mababasa sa aklat ng ating mga batas na hindi nasusunod o talagang hindi sinusunod. Ang kabagalan ng hustisya ang nagiging sanhi kaya meron tayong tinatawag na “summary execution”. Meron ding mga kaso na halos nangamatay na ang mga principal sa kasong pinagtatalunan sa korte, ganoon din ang mga hukom na lumilitis sa kaso and yet their cases were not yet resolve.

Common sense dictates na kinakailangan nating magtakda ng sapat at angkop na panahon sa pagresolba ng kaso. Nasusunod ba ito? Common sense also dictates na dapat tanggalin, lapatan ng kaukulang parusa o sanctions ang mga tamad corrupt at incompetent na hukom at justices na lalagpas sa itinakdang panahon. Nasusunod ba ito? Common sense also dictates na takdaan o limitahan ang postponement ng mga kasong nililitis. Sinusunod ba ito?  “Justice delay is justice denied”, wika nga, and yet ang mismong mga tinatawag nating “alagad ng hustisya” ang “root of all this evil” (delays). Kung ang supreme court Chief Justice ang pinaka-lider sa ating judicial branch of government, siguro ay napapanahon na ring sundan niya ang yapak ni President Digong Duterte who used his common sense as a tool in effective leadership.

Ang problema, naturingang matatalino sa batas ng ating mga judge and justices pero ang tila nawala sa kanila ay ang common sense. Tila wala silang ginagawang evaluation. Ang alam lang nila ay pagpatung-patungin ang mga kasong nakadulog sa kanilang mga mesa hanggang sa “amagin”, pero ang mabilis na pagresolba dito ay wala sa kanilang prayoridad. Ang common sense ay hindi pinag-aaralan sa anumang kolehiyo at unibersidad. Ito ay ipinunla ng Diyos sa ating mga utak pagkasilang natin sa mundong ito.  Ang ating common sense ang nagdidikta kung tama o mali ang ating gagawin o ginagawa. Ang ating desisyon o magiging desisyon. Ito rin ang tumututol o nagsasabi sa atin na sobra na, tama na ang isang bagay at hindi  na kataggap-tanggap sa ating isipan at kunsensiya. Tama bang paabutin ng lima, sampu hanggang dalawampung taon ang isang kaso na hindi nareresolba? Tama bang payagan ang paulit-ulit na postponement sa isang kaso para pagtagalin ito at ibigay ang kapritso ng ilang abugado na “delaying tactics” ang pinaiiral? Tama bang pairalin ang TRO for sale? Tama bang may mga snatcher at mandurukot na nakulong na nang mahabang panahon sa bilangguan pero di pa nahahatulan? At tama rin bang tumatagal ng lagpas pa sa terminong anim na taon ng isang presidente bago mahatulan  ang isang nandambong ng milyon-milyong pisong salapi sa kaban ng bayan? Upang kapag may presidenteng naluklok at kakampi ng akusado ay mabigyan sila ng pardon?

Ang isa sa halimbawa ng common sense na ipinakita ni President Duterte ay nang takdaan niya ng tatlong araw ang pagpo-proseso ng mga kinakailangang dokumento ng mga taong nakikipagtransaksiyon sa gobyerno na halos tumagal ng Linggo buwan o taon sa panahon ng nakalipas na administrayon. Kapag hindi raw nai-release ng kinauukulang ahensiya ang dokumento, dapat itong pagpaliwanagin. Making them accountable for their incompetency and inaction. Sana ganito rin sa hudikatura. Kapag ang kaso ay tumagal nang napakahabang taon sa kanilang mga sala, it’s either they were incompetent, ignorant, pakaang-kaang lang at talagang walang pamamaraan para mapabilis o bilisan ang paglilitis sa kaso. And most importantly, walang mga common sense.

Kung may common sense ang nagsisilbing lider ng ating hudikatura, gagawa rin siya ng paraan para ma-review ang mga instant TRO na ibinibigay ng mga hukom at justices, particularly kapag ito’y pabor sa drug offenders, plunderers, big corporation, at mayayamang akusado na may kakayahang magbayad ng malaki para lamang sa isang TRO. Gagawa rin siya ng pamamaraan kung paano mapapadali ang pagde-deliver ng hustisya sa mga may kaso. May mga sector na tumututol sa planong ibalik ang death penalty. Isa sa idinadahilan nila ay ayusin daw muna ang bulok na justice system sa ating bansa. Paano ito maitatama kung ang mga namumuno sa judicial branch ng ating gobyerno ang mismong ayaw magpasimula para ito mabago? Sila ang dapat maunang maglinis ng kanilang bahay at hanay na ang pundasyon ay  matagal ng inaanay.

Death penalty must impose. It is a deterrent to lessen a crime. Bilang isang tao na may malayang isip, ito ang sarili kong pananaw. Hindi na dapat pagdebatehan ang mga statistics na ipinupunto lagi ng mga anti-death penalty. Just use their common sense. Hindi ba natakot at naging deterrent sa mga drug offenders ang kabi-kabilang pagkamatay ng mga pusher, user at drug lords sa “war on drugs” na sinimulan ni President Digong Duterte? In a very short time, di ba’t sumurender ang libo-libong durugista sa Pilipinas? Kung hindi ito ang magiging basehan sa sinasabi nilang hindi raw deterrent, wala silang common sense. May presidente Digong Duterte tayo ngayon na gumagamit ng kanyang common sense at sapat na ito. Mag-back off na lang muna kayong mga anti-death penatly and wait for another six years. Baka sakaling makapagluklok kayong muli ng presidenteng katulad ni Noynoy Aquino na pinaka-manhid, kunsintidor at tangang presidente sa kasaysayan ng Pilipinas. Isang presidenteng walang common sense at madaling utuin.

Senator Leila De Lima
(Matalinong Mangmang)
Senator Manny Pacquiao
(Mangmang na Matalino)

Sa Senado, between the two senators (De Lima and Paquiao) who have a conflicting views about death penalty, ito lang ang masasabi ko. Bagamat nag-aral ng abugasya at dalubhasa sa batas si Senator Laila De Lima, sa sarili kong observation, wala siya sa kalingkingan ni Manny Pacquiao kung common sense ang pag-uusapan. Hindi sinusukat ng Diyos ang talino ng isang tao ayon sa kanyang pinag-aralan o nakuhang titulo sa kolehiyo. Ang common sense ni Manny Pacquiao ang nagdala sa kanya para maging matalinong gladiator sa boxing ring. Dahil dito, matatawag na “matalinong mangmang” si Senator De Lima at si Senator Pacquiao naman ang “mangmang na matalino”.

Sa mata ng Diyos, sino kaya sa kanila ang bagsak ang grado at sino ang pasado? Your guess is as good as mine.


No comments:

Post a Comment