Monday, September 12, 2016

The Right Tools for President Duterte to Solve Drug Problem in the Philippines.


 “We finally have a president who wants to solve the problem (drugs). And will do everything to solve the problem. Why we shouldn’t give him the RIGHT TOOLS”. – Senator Dick Gordon.

Of all the senators, it seems that only Senator Gordon sense the urgency of giving President Rodrigo Duterte the right tools he needed in his war against drugs. Ganoon man, tila daraan sa butas ng karayom ang tools na naiisip ni Senator Gordon na ipagkaloob sa ating presidente. Ang pagsususpindi sa “writ of Habeas Corpus”. Dalawang klase lang kasi ang nakasaad sa ating saligang batas para pahintulutan ito. In case of invasion and rebellion. Personally, pabor din sana akong mabigyan ng ganitong tools ang ating presidente, pero limitado lang sa mga high value target na drug lords and protectors. Kung baga kasi sa malaking isda o ibong nalambat, mas may tsansa ng gobyernong Duterte na agad “makaliskisan o mabunutan ng pakpak” ang mga drug lords and protectors  para hindi na makalangoy o makalipad.

With billions of money on hand, big drug syndicates in our country and their cohorts outside the Philippine territory can afford to use all the things that money can buy. Kaya nilang kumuha at magbayad ng pinaka-mahuhusay na abugado para gamitin sa paghahanap ng “butas” sa ating mga batas na papabor sa kanila. Kaya rin nilang  gawing kalasag ang “kahinaan ng justice system” at maging kapural nila mga corrupt judges and justices. Kaya rin nilang kumuha ng pinaka-matitinik na “hitman” and armed them to the teeth para patayin o likidahin ang mga taong balakid sa kanilang mga illegal activities. They can also hired bomb makers and mercenaries to sow terror in some of our metropolis, just to divert the attention of the police enforcers and military.  So,  hindi tayo nakasisigurong ligtas sa lahat ng sandali ang ating presidente at ang PNP chief na si Bato Dela Rosa. The threat was real at parang may tabak ni Damocles na nakabitin sa tapat ng kanilang ulo. “Its like feeding them to the wolves. Feeding the whole country to the wolves.” as Senator Gordon stated.

Bukod sa suspension of the writ of Habeas Corpus, ano pa bang mga tools ang posibleng maibigay ng ating mga mambabatas sa administrasyong Duterte para labanan ang droga sa Pilipinas? Siguro ay ang pagpapaluwag sa kasalukuyang “Bank Secrecy Law”. Alam ng lahat na nakadeposito sa malalaking bangko sa Pilipinas ang sandamakmak na salaping hinihinalang “katas ng droga”. Makatutulong ng malaki kung mapaluluwag ang napakahigpit na patakaran sa ating mga bangko para agarang masilip ng angkop na ahensiya sa ating gobyerno na nakatutok at gumagawa ng pag-iimbestiga sa mga questionable bank transactions ng mga hinihinalang drug lords, and protectors sa ating bansa. Mabisang tools din na magagamit ng ating mga law enforcement agencies ang pag-iimyenda sa nilulumot na nating “Wire-Tapping Law”. Kung mapahihintulutan ng batas na ma-monitor ang usapan at transaksiyon ng mga galamay ng drug syndicate sa ating bansa, particularly those drug convicts who can still transact business while inside  the jail, malamang na malumpo at matigil na ang kalakalan dito ng droga.  Ang isa pang epektibong tools na maibibigay ng kongreso kay president Digong Duterte ay ang muling pagbuhay sa “death penalty.” Ang parusang kamatayan ay isang malaking deterrent para mapababa ang krimen. Maaaring may sumalungat dito at maglabas ng contrary statistis, pero ang itatalampak ko sa kanilang pagmumukha ay ang naging chilling effect sa mga kriminal ng sunod-sunod na kamatayan ng  mga drug user, pushers and drug lords sa mga police operations. Ganoon din ang pagsuko ng halos kalahating milyong adik sa Pilipinas.

Majority of the Filipino people was silent about president Duterte’s  war on drugs. They even mum about some killings. Is this a sign of their approval?. Maybe. Pinatunayan ito ng malaking kalamangan ni President Duterte nang iboto siya ng  nakararaming botante sa Pilipinas. They knew na naging battlecry ni President Duterte ang war on drugs, criminality and corruption noon.  It was re-validated  by his 91%  trust rating in the survey na ginawa kamakailan lang. So, who are these “few people and voices” who are very adamant to stop President Digong’s  war on drugs?

Sila ang iilang alagad ng simbahan at human rights advocates “kuno” na naniniwalang Diyos lang ang maaaring kumitil ng buhay. Mga taong nagsasabi na ang mga kriminal gaano man sila ka-pusakal ay may karapatang pang-tao pa rin na dapat  proteksiyunan ayon sa ating saligang batas.  Paano naman yung human rights ng mga inosenteng nabibiktima? Bukod sa Diyos, ang mga kriminal lang ba ang may karapatang kumitil ng buhay at kapag ang awtoridad na ang nasasangkot, kahit ito isang lehitimong operation, duda ang mga taga-human rights na ito ay rub-out? Hindi ba isinasama sa kuwenta ng mga nasa human rights na milyon-milyong na ang ginawang “buwang” at sinirang pamilya at kinabukasan ng mga drug pushers and drug lords sa Filipinas.

Although these few “ugly” people and voices knew, that they indirectly favouring the “bad elements” in our society, still they continue to do lot of noises. They even dragged this war on drug via international scene. Kahit ilang daang drug offenders (user, pusher, drug addicts) pa lang ang napapatay sa legitimate police operations they called it crime against humanities at genocide. Ganito ka-idiot ang mga ito. They even lied and feed to foreign media how worse  the situations are, just to attract attention and sympathy to international community. Napukaw naman nila ang attention ng pinuno ng United Nations at ng US president. Yun nga lang, ang tanging natuwa sa kanila ay ang mga drug syndicate at hindi ang nakararaming mamamayan.

President Rodrigo R. Duterte

BUT, again, sorry for them. President Digong Duterte was a tough guy to crack. A real leader who have “balls” to defend his principle. A leader who knew that as a nation, we have our own sovereignty.  He also knew that as an elected leader of our land, he had a solemn duty to fulfil what he promised to the Filipino people. Whatever tools that can help him eradicating the evils of drugs in our society, dapat sigurong ibigay sa kanya. Duterte is not Marcos at iba ang sitwasyon noon kaysa ngayon. Tama na ang paglikha ng masasamang guni-guni at paghabi ng mga agam-agam na maaabuso ang mga tools at armas na ibibigay natin sa kasalukuyang administrasyon. Ganito ang mentalidad ng mga paranoid at prophet of doom. Hindi nila alintana ang ga-higanteng monster na   sinagupa ng ating presidente na hindi nakayang banggain ng  mga nauna nating  lider . Dapat sigurong samantalahin natin ang pagkakataong ito. Ang pagkakaroon natin ng isang matapang at unique na presidente.  Maybe, it’s one of a lifetime na nagkaroon tayo ng ganitong lider. As I’ve said in my previous article, noong hindi pa  kumakandidato si Mayor Duterte, as a reluctant presidential contender at pagiging ”hinog nito sa pilit”  he may possibly be an effective “antidote” that we need to fight crime, drugs and corruption. It seems that what happens now proved me right.

Again, and I repeat it again and again.  At his age now, President Rodrigo Duterte had a chance to make his name more unforgettable to Filipino people. By making possible those dreams that we are longing for, the people of the Philippines, themselves can elevate him to greatness. Hindi ito kayang ibigay sa kanya ng foreign media, ng presidente ng America at ng United Nation Secretary General. Life is too short for him, and I knew that he can grab this opportunity of a lifetime, na hindi nagawa o ginawa ng mga nauna nating leader.

With the help of GOD and his guidance, six years from now, I vision a more brighter future for our country and its people.


No comments:

Post a Comment