Senator Miriam Defensor Santiago
(Cartoon made by Esmeraldo Izon
of Philippine Free Press)
Since1990’s
nasubaybayan ko na ang pagiging public figure ni Senator Miriam Defensor
Santiago, particularly nang kumandidato siya bilang presidente at matalo kay
President Fidel V. Ramos. She is a very outspoken woman whom they called then, “Fire Eating Miriam”. Matapang, prangka
at hindi takot magbitaw ng maaanghang na salita. Iyan ang mga katangian niya na
rumehistro sa aking isip. May pagkakataon nga na tinawag ko siya noon bilang “ang babaeng may balls” sa sinulat kong
artikulo sa aking Kabalat News and Commentary Blog.
Isa si
Senator Miriam Defensor Santiago sa may pinaka-colorful na kasaysayan
bilang public figure. Nang maging
senadora siya, mas tumingkad pa ito dahil pinatunayan niyang karapat-dapat siya
sa kanyang posisyon bilang mambabatas. Nagamit niya dito ang angking talino at
husay sa mga senate deliberation. Naging malaking asset din niya ang pagsasalita
ng English fluently. May pagkakataon nga na nag-i-inject pa siya ng mga grammar
o kataga na bihirang gamitin na ikinaka-amazed ng mga taong nakikinig. Hindi rin
niya inatrasan ang nakatatanda at lamang sa karanasang si Senator Juan Ponce
Enrile nang magkaroon sila ng iringan at banggan sa senado.
Kapag
may senate hearing, pinangingilagan din ng mga nanonood sa loob ng senate gallery
ang senadora. May tendency kasi na mapagalitan
at mapagsabihan sila kapag may nakitang maaaring maka-distract sa atensiyon
nito. In one instance, (na naaalala ko) pinagalitan at pinalabas ni Senator Santiago
sa loob ng senado si Attorney Vitaliano Aguirre (now Secretary of Justice) nang
hindi magustuhan ang ginawang pagtatakip sa tainga ni Aguirre habang siya’y
nagsasalita at dinidinig ang impeachment case laban kay former Chief Justice
Renato Corona.
Isa
ito sa dahilan kaya mas inaabangan ng mga tao ang presensiya ni Senator Miriam
Defensor Santiago sa loob ng senado. Mas buhay o “lively at hindi nakakabagot kapag siya ang nagsasalita o
nagtatanong sa resource person. Ang angas
at palabang tindig ni Senator Santiago ang nagbunsod kaya may tumawag sa
kanyang “the fighting senadora”. Insipired
by her, one of my colleague writer, even wrote a graphic novel with the same
title. Ginawa niyang isang heroine sa kuwento ang senadora.
Naging
paborito rin ng mga kabataan at estudyante si Senator Miriam Defensor Santiago.
Ang mga pick-up lines nito kapag nag-speech ay nakapagbibigay
kasiyahan sa lahat. Larawan ito na kabaligtaran sa kanyang pagiging istrikto at
matapang sa loob ng senado. Inside the senate, she is serious and intelligent in
their deliberation with her co-lawmakers. Outside, she won the heart and admiration
of the people thru his pick-up lines.
Ganito
man ang pagkakakilala ng karamihan kay Senator Miriam Defensor Santiago, may
panahon ding pinulaan siya ng kanyang mga detractors noon. Ang kanyang angking
talino at pagiging eloquent sa pagsasalita ay binigyan nila ng masamang
pakahulugan. Some of them called her,
“Brenda”, which means “brain
damage”. Ginawan din nila ng isyu ang hamon at sinabi noon ni Senator Santiago na
tatalon daw ito sa eroplano pero nang hindi tinupad, ang itinugon lang ng senadora ay “I Lied”. Ilan lang ito mga naging
bahagi ng buhay ni Senator Miriam Defensor Santiago bilang isang kilalang
public figure. Ang mga positibo at negatibong pananaw na ito ng mga taong
pumupuri at pumupula sa kanya ang dahilan kaya mas naging makulay ang kanyang kasaysayan.
Sa
kanyang pagyao, mas nakatanim sa isip ng nakararami ang magagandang ginawa at
naging halimbawa ni Senator Miriam Defensor Santiago. Ang katapangang ipinakita rin niya sa pakikipaglaban sa kanyang karamdaman ay katangi-tangi. She fought it
gracefully. Hanggang sa huli ay hindi
siya sumuko o nawalan ng pag-asa. Ganoon
man, may kasabihang may kanya-kanyang panahong itinakda ang Diyos sa lahat, and
her time to rest came while she’s sleeping.
May you
rest in peace, Madam Senator, Miriam
Defensor Santiago.
No comments:
Post a Comment