Prsident Rodrigo Duterte
Compare
to Ex-President Noynoy Aquino’s first 100 days in power, marami akong nakitang
pagbabago sa Duterte administration. Bilang isang tao na may malayang isip at
kabilang sa mahigit 16 million voters na bumoto kay President Digong Duterte siguro’y
may karapatan din akong magbigay ng grado sa kanyang unang 100 days in power sa
ilang malalaking isyu na bahagi ng kanyang pangako.
War against Drugs. Isa
ito sa pangunahing pangako na binitiwan
ni President Digong noong nangangampanya pa lang. “Galit ako sa drugs”, ang
kanyang naging bukang-bibig. Ang
resulta, nagkaroon agad ng epekto. Hindi pa nga siya nauupo, may mga kaso na ng
drug related crimes. Lalo itong tumindi nang makapanumpa na siya and assumed
the post in Malakanyang. “Res ipsa
loquitur” wika nga. Ang lumobong bilang ng mga sumuko, nadakip at napatay
na sangkot sa illegal drugs ang makapagpapatunay. So I gave the Duterte
administration 95 % grade for
this. Why not 100 %? Here’s my reason.
Unang dahilan. Although naniniwala
ako na hindi polisiya ng Duterte administration ang pamamaraan ng judicial
killings, ang kanyang “paulit-ulit”
na pronouncement na “papatayin ko kayo”
ay sinakyan ng mga tiwaling pulis at drug lords para umuupa ng mga hitman at i-liquidate
ang kanilang mga kasabwat sa ibaba (pushers and users). This is just an “ordinary course of business” in a big syndicate
like illegal drugs. Sa pakikipagsabayan ng mga sindikatong ito (ninja policeman
and drug lords) sa ginagawang legitimate operation ng mga kapulisan, para
iligpit ang kanilang mga galamay sa ibaba, one is to one ang laban.
Unfortunately, ang lahat ng pagpaslang na ito ay sa Duterte administration
lahat ibinibintang.
Pangalawang dahilan. Sinakyan
ito ng “main nemesis” of President
Digong Duterte para buhayin ang isyu ng
Davao Death Squad (DDS) at iugnay siya dito. Ang pag-iingay tungkol dito sa
Senado ni Senator De Lima (na di-umano’y mother
of all drug lords) Senator Trillanes (na tinaguriang attack dog) at ng kanilang alagang si Edgar Matobato (na
tinaguriang mad dog) ang mas pinik-up
ng international media para tagurian si President Digong na isang “serial killer”.
Ano
ang moral lesson dito para kay President Digong? Bagamat alam ko na isa lang “psychological strategy” ng administrasyong Duterte ang katagang “papatayin ko kayo” statement, para manindak
at katakutan siya ng mga drug offenders, hindi ito makabubuti kung paulit-ulit
na sasambitin tuwing meron siyang speech. Ito rin ang dahilan kaya iniisip ng US,
EU at UN na polisiya nga ng Duterte Administration ang extra judicial killings.
Ano ang aking advice sa presidente? Bagamat walang batas na nagpaparusa para
pagbantaan o takutin ang mga drug offenders na papatayin sila, mas makabubuting
gawing policy niya ang “one strong
message is enough, then do your job”. Kapag sobrang maingay at paulit-ulit
ang binibigkas, ang lahat ng maaari niyang gawin ay posibleng maging
controversial at pag-usapan.
Conclusion: Ang pagbaba sa kalahati
ng iba pang krimen (index crime) na mataas ang porsiyento noong nakaraang
administrayon ay pagpapatunay lang na epektibo ang Duterte administration sa
pagbaka ng krimen. Isa ito sa ipinangako ni President Digong na tutuparin at
nagawa naman niya bagamat kulang pa. Humihingi siya ng another extension para
dito na deserving namang pagbigyan. Kahit pa anim na taon ang ibigay nating
extension ay OK lang. Kung mas feeling safety na ngayon ang mga taong bayan, although
iilang buwan pa lang mula nang siya’y manungkulan, palagay ko ay mas peaceful
na ang kalagayan ng bansa bago siya bumaba sa puwesto. Ang hindi lang nakakaramdam ngayon safety ay
ang mga illegal drug offenders (drug lords, protectors, pusher and user)
Sa
susunod: Foreign policy in President
Duterte’s 100 days in Power
(Dalawang
palakol ang gradong ibinigay ko sa kanya. Kung bakit? Alamin sa susunod kong
komentaryo)
No comments:
Post a Comment