Thursday, September 22, 2016

The Making of our Future Leader

Senator Manny Pacquiao

Saludo ako sa pagtsi-chair ni Senator Dick Gordon sa ginanap na senate hearing kahapon. Siya ang ipinalit kay Senator Laila De Lima nang sipain ito ng 16 senators sa puwesto bilang chairman ng Committee on Justice and Human Rights sa senado. Ito ay dahil sa hindi nito pagiging patas at paggamit na rin sa senate hearing para siraan at idiin si President Digong Duterte sa Davao Death Squad (DDS) sa pamamagitan ng testigong si Edgar Matobato. Bilang isang miron na nag-aaral sa mga sinasabi, at ikinikilos ng mga senador, madaling malaman kung sino ang pro at anti Duterte administration sa ginagawa nitong "war on drugs." Bagamat  sa pananaw ko ay irrelevant ang pagpapaharap kay Edgar Matobato sa naturang pagdinig dahil may kinalaman sa Davao Death Squad ang kanyang pinagsasasabi, at ang isyu ay noong Mayor pa si Digong Duterte sa Davao City, pinagbigyan na ito ni Senator Gordon dahil sa ginawang pagsusog ni Senator Trillanes na ito ay isama sa ginagawang senate inquiry.

Nagawa namang tibagin ni Senator Allan Peter Cayetano ang kredibilidad ni Matobato sa kabila ng pagtatanggol sa kanya nina Senator Laila De Lima at Senator Trillanes. What we heard is what we get, wika nga. Sa pananaw ng mga taong may talino at malayang pag-iisip hindi na paniniwalaan ang anumang sabihin ng testigong si Edgar Matobato sa pabago-bago at papalit-palit na pahayag nito. Kung meron pang tao na naniniwala pa rin sa testigo, sa palagay ko ay nabago ang kanilang paniniwala. Malaking bagay ang nagawa dito ng isang senador na alam ng lahat na hindi ka-level ng karamihang senador doon ang antas ng pinag-aralan. Very Impressive. Ito ang tangi kong nasambit habang pinanonood ko si Senator Manny Paquiao na tinatanong ang testigong si Edgar Matobato na nagpapakilalang member ng Davao Death Squad (DDS) at isinasangkot si President Rodrigo Duterte. It seems that he used his “common sense” and “did his homework”. Hindi abugado si Manny Paquiao at mababa lang ang kanyang pinag-aralan, pero sa kanyang dating at mga line of questioning sa testigo, tinalo pa niya ang ilang “inutil na abugado at nag-aabu-abugaduhan sa senado”.  

Ang senado ang pinakamagandang “training ground” para sa mga magiging future leader ng ating bansa. Dito natin masusukat ang talino at kakayahan ng isang tao para mamuno. Dito rin natin masasalamin kung ano ang kanilang mga pagkatao. Kung sila ba ay tapat o taksil sa bansa at sambayanan. Kung sila ba ay mahina o magiging malakas na lider. Kung sila ba ay tiwali at pansariling interes lang ang iniisip. Kung sila ba ay tuta at bulag na taga-sunod ng kanilang mga partido. Kung sila ba ay tuta ng mga kano at iba pang banyagang bansa. Kung sila ba ay dependent sa kakayahan ng kanyang mga ka-KKK o independent sa pagdedesisyon at pagpapasiya. Kung sila ba ay mayabang, arogante at bastos (tulad ni Senator Trillanes). Kung sila ba ay tamad at nagbubutas lang ng bangko sa senado (tulad ni former senator Lito Lapid). Higit sa lahat kung sila ba ay maka-bayan, makatao at maka-Diyos.

Walang masama kung ang puntirya ni Senator Manny Paquiao in the future ay maging presidente ng ating bansa. Kung ito ang kanyang “destiny”, walang makatututol kahit sino. Diyos lang ang nakaaalam. Ngayon pa lang ay patunayan na niyang kaya nga niya. May anim na taon siyang magugugol para dito. Bilang isang former congressman and now senator, the senate is his training ground. With his stature as an influential personality in sports and in the whole world, napakalaking bentahe nito sa kanya. Pinaka-popular din siya sa ating bansa. Sa pagkakaroon natin ng isang unique president sa kasalukuyan sa katuhan ni President Rodrigo Duterte, magkakaroon na ng “susundang bakas” ang mga future leader natin sa hinaharap.  Hindi  na marahil kakagatin ng tao ang mga kakandidatong puro pangako at antas lang ng kanilang mga pinag-aralan ang ipinagmamalaki. Hindi na rin kakagatin ng mga tao ang mga tuso at trapong pulitiko na umaasa lang sa kanilang goons, guns and gold. What we need are the future "leader who can learn from the mistakes of our previous leaders". A leader who can bring big changes, and who can fulfill their promises to the Filipino people. A leader who are not addicted to drugs nor funded his/her campaign by drug money. A leader who can guide his constituents and his country to progress. Only then that, we expect the Philippines, our country can be great once again.

If that future leader is Senator Manny Paquiao, so be it. 
Only God knows.

No comments:

Post a Comment