Saturday, September 17, 2016

Senator Antonio Trillanes: Ang Pinaka-arrogante Pinaka-mayabang at Pinaka-bastos na Senador sa Senado

Senator Antonio Trillanes

Sa naganap na senate inquiry last week tungkol sa war on drugs chaired by Senator Laila De Lima, at sa pagsulpot ng isang witness na di-umano’y kasapi ng Davao Death Squad na iniuugnay kay President Rodrigo Duterte, maraming nagulat sa kanyang mga revelation. Ganoon man, mas na-focus ako sa mga senador na tila may kanya-kanyang sariling agenda na gustong i-highlight sa naturang pagdinig. Being a neophyte senator, naging kapansin-pansin ang kawalan ng experience ni Senator De Lima sa pag-handle ng naturang inquiry. Halata rin ang kanyang pagiging “bias” at tila pag-giya sa sinasabi ng isang surprised witness na si Edgar Matobato. On the other hand iba naman ang tinutumbok ni Senator Peter Cayetano sa kanyang mga line of questioning while testing the credibility of the witness. Kung baga sa nagmamaneho, kung diretso ang itinatakbo ng sasakyan, pilit niya itong inililiko sa gusto niyang direksiyon. It’s unfair to Vice Pesident Leni Robredo na madamay ang kanyang pangalan sa gustong lutuin ni Senator Cayetano na balak di-umanong pagpapatalsik ng Liberal Party kay President Digong Duterte kung saan siya ang magiging beneficiary. Sa nakikita kong personalidad ni VP Leni Robredo, bagamat may konting puna siya sa nagaganap na war on drugs, hindi ako kumbinsidong magpapagamit siya para lang mapalitan si President Digong Duterte. Kinakailangan ni Senator Cayetano ng isang malakas na patotoo para mapaniwala ang tao. Hindi ‘yung dahil lang sa paggamit ni De Lima ng hindi credible witness sa katauhan ni Edgar Matobato.

Ang isa pang hindi ko mapapalampas ay ang pagpapakita ng kawalan ng etiketa ng tinaguriang “attack dog” ng Malakanyang noong nakaraang eleksiyon na si Senator Antonio Trillanes sa kanyang colleague  senator na si Senator Cayetano. Sa imahe niyang ipinakita sa harap ng televised senate inquiry na mistulang “siga” at “bully, dito ko natanto na siya na ang “pinaka-arogante, pinaka-mayabang at pinaka-bastos” na senador na nakita ko. Hindi maiiwasang kumulo at umakyat ang dugo ko lalo na nang pagpatayan niya ng micropohone ang kapwa niya senador. Kung ako ang nasa katayuan ni senator Cayetano, malamang na isang malakas na “sapok” ang padadapuin ko sa kanyang mukha para siya matauhan. Sabihin na nating out of order ang pagiging madakdak ni Senator Cayetano, the point here was that, he is just a co-equal senator and as a colleague, Trillanes must respect him (Cayetano). Hindi ‘yung para siyang nakakalalaki at magagawa niyang sindakin ang kanyang kapwa at patigilin ito sa pamamaraang gusto niya. Ewan ko lang kung ang kayabangan at kabastusan niyang ito ay kaya niyang gawin kay Senator Paquiao. Baka may kalagyan siya. 

Kung ganito ang magiging takbo ng senate inquiry kung saan tila hindi kayang rendahan ni Senator De Lima ang pagtsi-chair at pagpapakita ng pagiging bias, sa palagay ko, sa halip na makabuti sa imahe ng senado makasama pa ang ginagawang padinig na ito. Hindi deserving na mabigyan ng committee ang katulad niyang incompetent, the same with Senator Trillanes. Sa halip na maging asset sila ng senado para gumanda ang tingin dito ng sambayanang Filipino, ang dalawang ito ang nagsisilbing batik at nagpapababa sa kredibilidad ng upper house.



No comments:

Post a Comment