Tuesday, April 18, 2017

The Lost Train in My Home Province


I was born and grew up in the province of  Nueva Ecija where our house then, was built in between the highway and the railroad. Dahil dito, nakamulatan ko na noong bata pa ako na may naririnig akong busina ng train kapag ito ay dumaraan. Sa riles din kami ng train namamaybay kapag nagpupunta kami sa bukid na sakop ng  Bantug, Munoz Nueva Ecija para mamulot ng mga natirang uhay ng palay mula sa pinag-gapasan. Pero mula nang manirahan kami sa Maynila noong year 70’s, since then, hindi ko na alam kung ano ang nangyari at naglahong parang bula ang train na dati ay isa sa means of transportation sa aming lalawigan. Wala rin akong idea kung kailan ito tuluyang hindi na naging operational. 

Sa panahong ito ngayon, kung saan kabi-kabila ang traffic, hindi lang sa Metro Manila ito nakakapinsala. Maging ang biyahe ng bus mula Maynila hanggang lalawigan ay sobra na ang bagal. Kung dati ay tatlong oras lang ang biyahe mula Maynila hanggang Munoz, ngayon ay nadoble na at sumosobra pa dito. Ang dahilan, hindi lang  dumami ang bilang ng mga sasakyang gumagamit ng karsada, sa mga dinaraanang  bayan-bayan patungo sa aming lalawigan ay naging maunlad na rin.  Ang malalaking malls at iba pang business establishment ang lalong nagpabigat at nagpabagal sa mabilis na paglalakbay ng mga pam-publikong sasakyan. Ito ang hindi nakita sa kawalan ng foresignt at napaghandaan ng mga “inutil” nating naging presidente sa nakalipas na panahon.

Totoong nakakainggit ang mga kapitbahay nating mga  bansa dahil pinaglaanan nila ng masusing pag-aaral ang kalagayan ng transportastion sa kanilang bayan. Hindi sila nag-rely lamang sa transportation na dumaraan sa karsada. Nagtayo at nag-invest sila ng iba pang means of transportation na katulad ng train na may sariling right of way kaya walang traffic. Ang nakalulungkot, sa halip na pagyamanin at paunlarin ng mga namumuno sa ating bansa ang transportation na ito, tuluyan itong na-phase out at itinigil ang operasyon. Hindi nila naisip na bagamat ang train ang isa sa pinaka-matandang means of transportation, ito rin ang sumisimbolo sa kaunlaran ng isang bayan o bansa. 

Sa ngayon, maging ang mga riles ng train na dati ay dinaraanan ko noong bata pa ako at binabaybay kapag nagpupunta kami sa bukid ay tila naglaho na. Ang dating riles na 50 meters lang ang layo sa likod ng bahay namin ay wala na rin. Ang nakatirik dito ay mga bahay na at nawala na ang traces na, once in my lifetime ay merong train na dumaraan at naglalakbay dito. This was a clear sign that our country was not stepping forward, but backward. Paurong at hindi pasulong wika nga. Sa ibang bansa ay tila lumilipad na sa bilis ang paglalakbay dahil meron silang “bullet train”, tayo ay nagre-rely lamang sa mga sasakyang dumaraan sa karsada.

Dito dapat mag-invest ang gobyerno dahil ito ang kailangan ng dumaraming tao na naglalakbay at nagnenegosyo ng kanilang mga kalakal sa mga bayan-bayan at kalunsuran. Huwag nating ipaubaya at iasa ang transportation sa mga gumagamit lamang ng karsada. Halos umaapaw na ito sa dami ng mga bus na nagnenegosyo at magkaka-kumpitensiya para mamulot ng pasahero. Ganoon din sa dami ng mga taong gustong bumili ng sariling sasakyan, kotse, truck, motorsiklo, etc, etc.  Ang train ay merong sariling daan. Hindi uso dito ang  traffic. Wala rin ditong kumpitensiya o ‘yung bibili ng sarili nilang mga train para ipasada. Wala ditong kolorum at lalong walang individual person na makaka-afford na bumili ng sariling train at magpatayo ng sarile nilang riles na daraanan. So, ano ang solusyon sa problema ng Pilipinas kung transportation ang pag-uusapan. Palaganapin at paunlarin ang ating railway system, not only in Metro Manila kung hindi maging sa ating mga lalawigan sa Luzon, Visayas at Mindanao. 

Sa administrasyong Duterte, umaasa ako na ganito rin ang kanilang pananaw. Isa sa senyales na nakita ko ay ang sinisimulan nang MRT 7 na 6 years na natengga sa panahon ng pinaka-banong Presidente na si Noynoy Aquino. Ito ay natigil dahil sa  pansariling interes ng nagkukumpitensiyang Mall owners at ang pagsawsaw ng mga corrupt na alipores ni Noynoy Aquino na nagpa-antala dito. Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang tinatawag nilang “common station” na gagawin pero ang importante dito ay ikinasa at sinisimulan na ang MRT 7 na dapat sana ay nagagamit na ngayon ng madlang pipol. 

Sana, marami pang ganitong proyekto ang gawin at matapos sa panahon ng termino ni President Digong Duterte. Hindi lang para sa Metro Manila kung hindi maging sa iba’t ibang bayan at kalunsuran. Sana ay maibalik ring muli ang naglahong train sa aking home province na nagpapaalala sa aking kamusmusan. Na minsan sa aking buhay ay may transportasyong katulad nito na nagyayao’t  ng paroon at parito. 



No comments:

Post a Comment