Matagal ko nang naipunto sa aking mga komentaryo ang batas na ang promotor ay si Senator Kiko Pangilinan. Isang batas na sa halip makapagbigay ng katiwasayan sa ating mga mamamayan as a whole, ang nilikha po nito ay kapinsalaan. Tila nang binabalangkas po ang batas na ito, iisa lang ang nasa kanyang utak, ang proteksiyunan ang ating mga kabataan. Hindi niya nasilip na posibleng gawing “butas” ang kanyang batas na ito ng mga taong may “criminal mind” para makalusot at maging mistulang sanctuary ng mga new breed of child criminals.
Isang halimbawa po dito ang nangyaring rape case na kagagawan ng isang 15 years old kid sa 6 years old na anak ng aking kakilala. Sa halip na maparusahan ang suspek, wala pong kinahinatnan ang kaso kaya patuloy na nakagagala ang suspek. After a few weeks, that 15 years old kid strikes again. Apat pa po ang na-rape ng naturang bata na ang nabiktima ay 7, 8 and 10 years old. Pero bago pa po nakagawa ng panibagong krimen ang naturang child rapist, natagpuan na pong patay ito sa isang liblib na lugar, basag ang kanyang bungo at pinutol pa ang ari. A swift and instant justice for the victims.
This is the case of a “cause and effect”. What is the cause? It’s the Pangilinan law. And what is the effect? The tragic experiences done to the child rape victims, resulting for the instant death of the rape suspect. Ito po ba ay mangyayari kung hindi dahil sa batas na ang promotor ay si Senator Kiko Pangilinan? Sa panahon po natin ngayon, kabi-kabila na po ang mga insidente at kasong ang nasasangkot ay mga kabataang kinse anyos pababa ang idad. Ang mga kabataan ngayon ay sobra ng mulat at hindi na natin masasabing wala pa sila sa wastong isip para malaman ang tama o mali. Kung atin pong papansinin, sino po ba ang pinakamaraming parukyano ng mga internet cafĂ© at isa sa pinaka-aktibong gumamit ng social media? Halos karamihan po ay mga kabataang 15 years old below. Mas matalino pa silang gumamit ng mga makabagong computers at gadget ngayon kumpara sa mga nakatatanda. Aware na aware sila sa mga nagiging kaganapan sa ating mga kapaligiran. Alam din po ng mga kabataang ito na they were protected under the law, courtesy of Senator Kiko Pangilinan.
So, ano po ang nararapat gawin ng ating mga mambabatas sa ilalim ng Duterte administration? ASAP, imyendahan o baguhin ang palpak na batas na ito at babaan ang idad o ibalik sa dating idad gaya ng nakasaad sa ating lumang batas ang posibleng makasuhan upang mapigil ang paglaganap ng mga new breed of child criminals. Tama po ang sinabi ni President Digong Duterte sa kanyang speech at patama sa batas na ito na si Kiko Pangilinan ang promotor. Sa bawat krimen po na nangyayari na ang mga kabataang may criminal mind ang gumawa pero hindi makamit ng mga inosenteng biktima ang katarungan, si Senator Kiko Pangilinan po ang sisihin ninyo. Sa ating batas ay may sinasabing, “he who is the cause of cause, is the cause of the the evil caused”.
Manalangin Po Tayo
Panginoon po naming Diyos na makapangyarihan sa lahat, kami po ay muling lumalapit at idinudulog sa IYO ang isang problemang ito na idinulot ng isang batas na nilikha ng tao. Isang batas na inaakala ng mga nagpanukala ay makapagbibigay ng proteksiyon sa mga kabataan subalit sa halip na makabuti, ito po ang nagdudulot ng kasiphayuan sa mga inosente naming mamamayan. Nagmistula itong “gatong” sa mga may criminal mind na kabataan na gumawa ng mga paglabag kaliwa at kanan. Mistula rin po itong naging “gapos o tanikala” sa mga awtoridad at mga nabibiktima na makamit ang katarungan laban sa mga kabataang ito na hayagang nilalabag ang batas. Kung ang batas pong ganito ang nagiging kasangkapan para gumawa ng kasalanan at kasamaan, hindi po ba’t ito ay tools na sa “diyablo” nagmula? Ang wisdom po nito ay si Satanas ang nagtanim sa “utak lamok” at “retarded” naming mambabatas na pinangungunahan ni Senator Kiko Pangilinan.
Sana, IKAW na po o Panginoon naming Diyos ang bahalang humaplos at gumawa ng paraan upang imulat at tinagin ang kalooban ng mga mambabatas namin ngayon sa ilalim ng administrasyong Duterte. Na kanilang ibalik sa dati at muling babaan ang idad ng mga kabataang mapapanagot sa mga krimen nilang ginawa. Sa ganito lamang pong paraan makakalag ang gapos o tanikalang ginawa sa mga inosente naming mamamayan para makamit ang hustisya. Nawa’y marinig mo ang aming hinaing na ito o Diyos na makapangyarihan sa lahat. Hinihiling po namin ito sa IYO sa pangalan n gaming tagapagligtas na si Hesukristo.
AMEN
No comments:
Post a Comment