May punto si President Rodrigo Duterte sa kanyang pag-alma at pagbabanta sa korte (judicial branch of government) dahil sa mga Temporary Restraining Order na kanilang ini-isyu, particularly sa mga proyektong ginagawa o ipinatutupad ng ating gobyerno. Ang totoo, ito ang dahilan kaya usad pagong ang pagsulong o pag-unlad ng ating bansa at napag-iiwanan tayo ng mga kapitbahay nating nasyon. This is the main “culprit”. The cause of the cause of the evil caused. Tila hindi nasusunod ang madalas kong mabasang karatula na nakalagay sa ilang malalaking truck na “Government project: Do not delay”.
Sa isyu na lang ng right of way, kapag may tinamaang private property ang isang government project halos ilang taon ang itinatagal nito bago maresolba o iresolba ng korte. Kung minsan, tapos na rin ang termino ng isang presidente na nagnanais paunlarin ang ating bansa sa pamamagitan ng mga infrastructure na kanyang ipinagagawa. Sino ang nag-suffer dito? Ang kaunlaran ng ating bansa as a whole and the Filipino people in particular. Sino naman ang nag-gain? Sino pa kung hindi ang hinayupak at kumitang judge na nag-isyu ng TRO for sale at ang tarantadong property owner na nanuhol ng judge para mapatigil o maperhuwisyo ang proyekto n gating gobyerno. So, pera pera lang ang dahilan at pansariling interes ng isa o dalawang tao at the expense of the majority of the Filipino people.
President Rodrigo Duterte is an intelligent president. He used his “common sense” na wala sa ating mga naging previous president. He knew what he talked, and he too had the guts to express it. Kaya kayong mga judges na madalas mag-i-isyu ng TRO for sale, huwag na kayong magmalinis. Hindi po tanga at gago ang ating presidente. He is also a lawyer and former prosecutor. Alam niya at naaamoy ang inyong “lansa” kaya maghinay-hinay sana kayo dahil for the first time in the history, nagkaroon ang ating bansa ng lider na alam ang kanyang sinasabi at ginagawa. Lider na “sensitibo” at hindi manhid. Lider na hindi natutulog sa pansitan at nagpapalaki lang ng bayag sa Malakanyang (like former President Noynoy Aquino)
Aba, e sino nga naman ang hindi makapagmumura at kukulo ang dugo kung sa pagbisita ni Preident Digong Duterte sa iba’t ibang panig ng mundo para maka-kuha ng pondo at magamit ito sa mga infrastructure at mapaunlad ang ating bansa, merong isa o iilang judges lang na mag-iisyu ng TRO for sale para ito ma-delay o maipahinto. E, maski ako mumurahin ko kayong mga “putang ina ninyo” kayo. Kayo ang mga nagsisilbing “Hudas na kapural” ng mga taong humihila sa ating bansa papalubog o paurong. Mga Hudas na ang ginagamit ay ang katagang “due process” “right to be heard”, “right to sue and be sued” etc, etc. pero, ang tunay na nakapalaman dito ay ang pera, salapi at atik.
As a person who believed in the rule of law, hindi ko inaalis na gamitin ang mga karapatang ito sa mga legitimate grievances affecting the interest of both individual or parties, as stated in our constitution particularly in the bill of rights. Pero kung sa isang government project naman na majority of the Filipino people ang mabibiyayaan, sana ay mabigyan ito ng importansiya at pagpapahalaga. Kung mag-i-isyu man ng TRO ang korte, bilisan ang pagresolba without delay. Hindi iyong halatang-halata na nabayaran lang ang judge kaya nag-isyu ng TRO. Justice delay is justice denied wika nga. Hindi na kailangan ni President Duterte ng emergency power kung ang ating korte ay aakto lang ng tama at mabilis.
Sa ikauunlad ng bayan, hindi corrupt judges at TRO for sale ang kailangan.
No comments:
Post a Comment