Congressman Gary Alejano
Bilang isang ordinaryong kabalat na nakapanood ng proseso sa ginawang paghimay ng Committee on Justice sa kongreso sa inihaing impeachment ni Congressman Gary Alejano laban kay President Digong Duterte, na-entertain ako sa ginawang pagtatanong sa kanya ni Congressman Farinas. Dito ay lumitaw ang kanyang plain and simple katangahan sa paghahain ng isang impeachment complaint na “walang laman”. Empty kung baga at ito ay ibinase lamang sa “hearsay”, at mga dokumentong hindi sertipikado. Kung baga sa isang fisherman, ang inilawit lang na pain ni Congressman sa tubig para makabingwit ng isda ay isang “sima” na walang uod and yet, he expect na kakagat dito ang kanyang gustong mabingwit.
Noong ihain ni Congressman Gary Alejano ang kanyang impeachment complaint sa kongreso laban kay President Digong Duterte, I knew already what is his (their) motives. Ito ay para hiyain ang administrasyon and at the same time, their first step to destabilize the government. Kung si Senator Trillanes kasi ang tinaguriang “attack dog” ni Noynoy Aquino, ang ginagamit naman niyang attack dog ngayon sa panahong ito ni President Digong ay si Congressman Gary Alejano. This also proved my first impression to this two former soldier that they were not a true public servant but a “mercenaries”. Pera, salapi, atik, ang nagpapagalaw sa kanila para “mangagat ng taong gusto sa kanilang ipakagat” ng nagmamay-ari sa kanila.
Kung nasabi ko noon na si Senator Trillanes na ang “pinaka-arogante” at “pinaka-mayabang” na senador, si Congressman Gary Alejano naman ang masasabi kong “pinaka-bobo”, “pinaka-tanga” at “pinaka-gunggong” na nakita ko. Res ipsa loquitur, wika nga dahil ito ang nakikita ng taong bayan sa harap ng kanilang mga TV screen, which speak for itself. Hindi komo naging senador at naging congressman ang dalawang ito ay mababago na ang kanilang pagkatao at mabibigyan na sila ng lisensiyang maging makabayan at matalino. Makikita pa rin ang kanilang tunay na kulay at malalanghap ang kanilang mga amoy. They were just a mercenaries. Pera-pera lang kung baga.
Now, after being lambasted and beaten in the Committee of Justice and at the same time, hindi man lang naka-first base ang inihaing impeachment complaint ni Congressman Gary Alejano, mistula siyang “asong bahag ang buntot” na tatakbo at pasasaklolo raw sa International Criminal Court (ICC). Tila doon pa gustong “magkalat” ni Congressma Gary Alejano at ibando sa buong mundo ang kanyang kabobohan at katangahan. Anyway, gaya ng sinabi ni President Digong, this is a free country at malaya nila itong magagawa.
Ang importante sa taong bayan ngayon ay ang mga nakikita nilang malaking pagbabago. At the span of one year in Duterte’s administration, patuloy ang mga nakikita kong changes na ikasusulong at ikatatahimik ng ating bansa. Mas nakararami pa ring Pinoy ang sumusuporta sa kanyang war on drugs. Nadarama rin nila ang pagiging “sensitibo” ni President Digong Duterte sa kapakanan ng mas nakararami at naghihirap na Filipino. Kabaligtaran ito ng “manhid” at “inutil” na gobyerno na pinagtiisan ng mga mamamayan sa anim na taong pamumuno ni Noynoy Aquino. Nakikita rin ng taong bayan ang seryoso at pagnanais ni President Digong Duterte na walisin ang mga corrupt na tao sa kanyang administrasyon sukdulang isa itong kaibigan at ka-fraternity. Kabaligtaran ito sa panahon ni Noynoy Aquino na kanyang pinanatili ang kanyang mga kaibigan, kamag-klase at kabarilan (KKK) sa puwesto kahit patong-patong na ang mga kaso nila ng katiwalian.
Alam ko na ipagpapatuloy ng mga attack dogs ng mga dilawan ang laban pero naniniwala at sumasampalataya ako na ang lahat ng ito ay hindi magtatagumpay. As I saw, despite of all the odds, President Digong Duterte is so firm and strong. Nasa kanyang karakter ang pagiging tunay na lider na may determinasyong mabago ang timon patungo sa isang tunay at tuwid na landas na tutunguhin ng ating bansa at ng ating mga mamamayan sa hinaharap.
To tell you, mga kababayan at kabalat ko, tila wala nang makapipigil sa destiny ng isang Rodrigo Roa Duterte, for being one of the greatest leader in Philippine history that ever produced. Samantalahin natin ito. Samahan natin siya at saksihan sa mga susunod pang mga taon nang kanyang pamumuno ang mga pagbabagong gusto nating makita. Let’s pray for him too. He’s our hope and only chance to make our country, great again.
No comments:
Post a Comment