President Rodrigo Duterte
Hindi
magandang senyales ang nakikita kong pakikipag-word war ni President Rodrigo
Duterte sa noon pa ay tinagurian na niyang “attack
dog” ng Noynoy Aquino administration na si Senator Antonio Trillanes
IV. Lalong hindi rin nararapat na maging emotional ng ating presidente sa mga “kahol at banat” ng isang senador na
halos patapos na ang termino. Mas nararapat siguro na huwag na lang niya itong
pansinin dahil mentras sinasagot niya ang mga patutsada ng kalaban at
detractors, mas lumalakas ang kahol nila at tuwang-tuwa sa mga nagiging
kaganapan.
Sa
isang digmaan, ang laging tinutuklas at hinahanap ng mga kalaban sa kanilang
katunggali ay ang kanilang kahinaan. Ito ang nakikita kong kinakasangkapan
ngayon ng mga opposition and Duterte detractors. They knew that President
Duterte is really an “emotional person”.
Madali itong madala sa simbuyo ng kanyang damdamin sa kung ano ang kanyang
nakikita at naririnig. Ito rin ang dahilan kaya naririnig natin na nakapagmumura
siya at madaling magalit. Kabaligtaran ito ng ugaling “manhid” ni Noynoy Aquino
na sa kawalan ng emosyon, nagawa nitong ipa-massacre sa mga kalaban ang SAF 44.
Sa
totoo lang, hindi na kailangang pansinin ni President Digong ang mga taong bumabatikos
sa kanya. He is a sitting president now, at hindi ito panahon ng election
campaign. Katunayan ang isyu ng kanyang “bank
account” ay recycled na lang ni Trillanes at ni hindi nga ito naka-epekto
sa kanyang kandidatura noon. Ibinoto na siya ng majority of the voting populace
at ang dapat na lang atupagin ni President Duterte ay ang pagtatrabaho dahil siya
na rin ang nagsabi na he is just a worker in government.
Ang
tanging maipapayo ko kay President Duterte is “to fight his detractors silently”. Ang isang matalinong mandirigma
ay hindi masalita para hindi mabasa ng kalaban ang kanyang gagawing strategy to
destroy them. The President have all the power to do this. Ibinoto siya ng
majority of the people, meron din siyang mataas na satisfaction and trust
ratings. Nakikita ng mas nakararaming mamamayan ang kanyang pagsisikap na
puksain ang mapaminsalang droga. Nakikita rin ng taong bayan ang kanyang
malasakit at pakikidalamhati sa mga nasasawing sundalo at pulis na nasasawi sa
kanyang war on drugs at mga terorista sa Marawi City. Nalalaman din nila ang
kanyang plano at vision na mapaunlad ang ating bansa sa mga infrastructure na
sinisimulan at sisimulan pa lang.
More
action and less talk is more than enough for the Filipino people. Dito
sinusukat ng taong bayan ang isang lider. Let the liars and opposition propagandist against the Duterte
administration die a natural death. Ang “sustansiya”
kaya sila nabubuhay pa, ay dahil pinapatulan ni President Duterte ang mga
sinasabi nila, particularly the barking of Senator Trillanes. To tell you, ang
anumang “germs” na nagmumula sa
maaanghang na salita ni President Duterte ang ginagamit nilang panlaban. Kung
baga sa namimingwit, gusto nilang hulihin ang isda sa pamamagitan mismo ng
bibig nito.
No comments:
Post a Comment