Tuesday, October 3, 2017

The Attack Dog and the Bulldog in the Ombudsman?

Senator Trillanes and Overall Deputy
Ombudsman Carandang

Naniniwala ako sa mga nagsasabing tila wala nang ginawa si Senator Antonio Trillanes kung hindi humanap ng paraan para siraan at pabagsakin ang Duterte Administration. May nagsasabi pa nga na para itong isang “asong ulol” na ang bawat balingan ay nais kahulan at kagatin sa senado basta kinilingan si President Duterte. Di nga ba’t nabansagan din siyang “attack dog” ng LP noong last election campaign? Ang hindi alam ng iba, marami rin ang naniniwala na bukod sa pagiging attack dog, ng “hambog” na senador, isa rin daw itong “mersenaryo” in a sense na ang lahat ng kanyang effort na ginagawa ngayon to discredit the present administration ay may katapat na salapi, pera atik o datung. Sinasamantala raw ni Senator Trillanes ang pagkakataon habang senador pa siya at epektibong naiba-bala sa kanyon ng dilawang oposisyon.

At totoo rin daw na kaya malakas ang loob ni Senator Trillanes na ire-cycle ang isyu tugkol sa bank account di-umano ni President Duterte ay meron siyang “bulldog” na kasangga sa Office of the Ombudsman, ang Overall Deputy Ombudsman na si Melchor Arthur Carandang. Halatang-halata raw ang pagiging “bias” ng bulldog na ito sa Ombudsman dahil kung ating ire-replay ang kanyang mga naging statement sa press con, aba’y hindi lang nito sinabing hawak na raw niya ang mga dokumento ng bank account deposits ni President Duterte na ibinigay ng AMLC, he even discloses further the contents of it.

Anak ng pitong demonyo, ngayon lang ako nakakita ng ganito ka-gagong Deputy Ombudsman. Siguro puwedeng sabihin na lang niya na nasa-akin na ang mga dokumento in the spirit of impartiality at hindi na niya ito dinagdagan. Is it for the consumption of the press people so that when they report it in print or in broadcast, malaki agad ang impact nito sa taong bayan, to destroy President Rodrigo Duterte? Pero ang siste, pagkatapos ihayag ito ni Carandang, heto na ang AMLC na pinabubulaanan ang kanyang naging statement. So, it’s not a simple mistake. It’s a ploy, a trick, a tactic, a strategy or whatever you call it. Maliwanag din sa sikat ng araw na he is in cahoots with Senator Trillanes to discredit the sitting president and to destabilize the government.

Gaya ng una kong sinabi, hindi dapat magdeklara si President Duterte sa kanila ng isang “word war”. Lalo kasi itong nagpapalaki sa isyu at nagpapayanig sa apat na sulok ng ating bansa.  As I’ve said, the president can destroy his enemies silently, and he can use all his power in accordance with law and the constitution.  Suportado rin siya ng majority of the Filipino people at ng mga nagbigay sa kanya ng mataas na satisfaction and trust ratings. It’s high time for President to kick this Bulldog (Melchor Arthur Carandang) out in the Office of the Ombusdman and file a case against him.  Naniniwala ako na ang pagsibak sa isang Melchor Arthur Carandang sa Office of the Ombudsman ay hindi gagawa ng malaking impact. He deserved it. Hindi rin dapat paniniwalaan ang mga “eksperto kuno” na hindi kayang salingin ang mga tiwali at corrupt na nasa Office of the Ombudsman dahil isa itong independenct body.  Kung nagawa ito ng abnoy na presidenteng si Noynoy Aquino kay Merceditas Gutierrez ang matapang at may political will pa bang si President Rodrigo ang hindi?


With regards to Senator Antonio Trillanes, naniniwala rin ako mga kababayan at kabalat ko na his political career is over.  Hindi na siya dapat pinapansin ni President Duterte sa kanyang paghahamon na pumirma ng ek-ek na waiver. Who is he anyway? Patapos na ang kanyang termino bilang senador pero mahaba-haba pa ang kay President Duterte. Gawa siguro ng matinding pangangailangan na magkamal ng salapi kaya ibig mag double-time at kumita ng malaki nitong si Senator Trillanes sa kanyang pagiging attack dog at mersenaryo. Kaliwa’t kanan kung siya’y bumirada, kaya kahol doon at kahol dito ang ginagawa. Natutulungan din siya ng kanyang mga kaibigang media personality who always listen to his stories of lies and hearsay. Pero, kung mapatatalsik siya sa pagiging senador dahil sa inihaing ethics complaint laban sa kanya ni Senator Gordon, well and good. Sa karsada na lang siya gumawa ng protesta at dito siya magngangawa kasama ng mga kontrabida at Hunyangong Makabayan Bloc.

No comments:

Post a Comment