Filipino Soldiers in Marawi City
Isa
ako sa natuwa nang mabalitaan kong nasawi na ang dalawa sa pinakamataas na
lider ng ISIS-inspired Maute terrorist na naging daan para wasakin ang lungsod
ng Marawi at maghasik ng lagim sa buhay at ari-arian ng mga taong naninirahan dito.
Isa itong napakasamang bangungot na
marahil ay hindi na malilimot ng mga taong naapektuhan nito at naging biktima
ng mga terorista. Sa pagbangong muli ng Marawi City, kailangan ng pagtutulong-tulong.
Hindi ito ang panahon ng sisihan at pagkakawatak-watak. Ang isang trahedya ay nangyari na at
idineklara ng liberated ni President Duterte, although meron pa ring natitira
at naiwang napakaliit na puwersa na patuloy na lumalaban. Ganoon man, sooner or
later, matatapos na ito at magsisimula na ang pagbangong muli ng Marawi.
Hindi dapat balewalain ng sambayanang Filipino ang
leksiyon na iniwan ng trahedyang ito particularly ng ating gobyerno. May mga
katanungan na hanggang ngayon ay nagto-throwback sa ating isipan. Katanungang
kahit si Presidente Rodrigo Duterte ay paulit-ulit na binabanggit sa kanyang
mga speech. Sa isang ordinaryong mamamayan na katulad ko, naghahanap din ako
dito ng kasagutan. Nagkaroon nga ba ng failure of intelligence? Kung ako ang
tatanungin, no doubt about it. Bakit walang impormasyong nag-leak na napakarami
na palang teroristang nakapasok sa Marawi City, including some foreign looking
terrorist? Nakapagpuslit ng napakaraming malalakas na armas, at nakapag-imbak
ng mga ammunitions? Kung hindi nagpabaya o naging kasabwat ng mga teroristang
ito ang ilang local official’s ng lungsod, particularly those in the Barangay
level, magagawa ba nila ito nang overnight?
Tayo
bilang isang ordinaryong mamamayan ng isang lungsod, bayan o Barangay ay dapat
magkaroon ng malasakit sa ating lugar na pinamamahayan. Hindi tayo dapat
manahimik sa ating mga nakikita at naoobserbahan sa ating kapaligiran. Nagagawa
lang ng mga terorista ang kanilang gusto dahil merong ilang kaanak at
sympathizer (government official/private citizens) na kumukunsinti sa kanila. Pero
hindi lahat. Kung may kahit isa o dalawa man lang sa mga naninirahan doon ang
naging mapagmasid at naipagbigay alam agad sa mga kinauukulan ang ginagawang
paghahanda ng mga terorista, hindi sana magiging ganito ang kanilang kapalaran.
Ang nangyari, damay-damay na. Muslim, Christian, government officials, private
citizen, student, businessman, innocent, sympathizer, relatives etc. With the
modern communication technology, we have today, it’s just one text or call
away, wika nga.
Siguro
kung isang suicide bomber lang ang umatake sa isang thickly populated place,
baka may excuse pa tayo na hindi natin ito madaling made-detect gaya ng mga
nangyayaring bomb attack sa mga European countries. But for God’s sake, ang
makapaglakad ng armed to the teeth ang isang grupo ng mga teroristang papasok
sa isang lungsod o bayan na hindi nasisita, nor hiding their supplies of high
powered firearms and ammunitions in their hideouts were unbelievable in a civilized
country like us. Marawi
City served as a lesson to us. To learned from their mistakes. Do not let that
tragedy happen to our cities and towns. We must be vigilant to our
surroundings. To the people around us. As I’ve said it’s one text or call away, to
halt the ill motive of these kind of dangerous animals roaming in our planet.
Hindi sila dapat bigyan ng tsansa o pagkakataong makapaminsala. They have no
ideology, except to kill innocent people and wreak havoc to our cities and
towns.
No comments:
Post a Comment