Social
media is now a “word war battleground”.
No doubt about it. The war between “pro”
at “anti” Duterte administration was
so intense and I felt it to the bones. Sa mga nakikita kong post sa mga wall ng
mga FB friends ko, ganoon din sa kanilang mga isini-share, malinaw pa sa sikat
ng araw kung anong kulay ang banderang kanilang iwinawagayway. Some of my
colleagues in the field that I belong before, have their own camps too. I knew
who are the pro and the anti. Ito rin siguro ang dahilan kaya marami sa kanila
ang nag-unfriend ng mga dati nilang kaibigan at kasamahan. Masyado silang
nadadala ng kanilang mga emosyon and some of them treated it personal. This is the
reason why I remain silent kapag pulitika ang pinaguusapan. Wala rin akong
isini-share na pro and anti Duterte sa aking personal FB wall at hindi rin ako
nag-ko-comment o nagla-like ng mga post na anti or pro. Gusto kong maging miron
o taga-masid lamang sa nagaganap nilang war of the words.
Dahil
uso ang “trolls” (anti and pro)
nagsulputan ding tila “kabute” ang
mga bloggers ngayon sa FB, courtesy of their political parties/colors
(Dutertards and yellowtards). Lalo itong nagpasidhi sa word war kung saan ang
social media ang kanilang naging “arena”
May kanya-kanya silang mandirigma o gladiators, gaya ng “Thinking Pinoy” at “Silent
No More” na kamakailan ay naging sentro ng controversy. Nagkaroon pa nga ng
senate inquiry dahil sa malicious and libelous post nito against the 7
senators.
Ganoon
man, bilang isang ordinary citizen na may malayang isip, nagagawa kong
magkomentaryo at ipahayag ang aking personal na pananaw sa mga isyung pulitikal
sa sarili kong blogs. Sa mga
nagtatanong, hindi po ako troll ng sinumang pulitiko o partido pulitikal. I
started my Blog since 2013, at mababasa sa mga nauna kong mga
artikulo/komentaryo na nagkokomento ako base sa pansarili at malaya kong
pananaw. As a former writer, this is my outlet to express what’s in my mind.
Hindi rin ako nagmamagaling na gaya ng mga blogger troll’s ng mga Dutertards at
yellowtards na nagpaparamihan ng likes, views and followers. Ako ay isang
blogger na may sariling sulok at sa sulok kong ito ako malayang nananaghoy. It
is as if when you pray alone, you don’t need any persons nor audience to watch
and hear your prayer. God is enough for me. Sa aking blog, at home ako at may maluwag
na space para makahinga. Kung baga sa bahay, hindi rin ako basta-basta mapapasok
ng mga unwelcome visitor’s para balahurain ang aking wall thru their
sarcastic and idiotic comments. Nga komentong kung minsan ay lumalampas sa boundary at nagiging usapang kalye. Kadalasan ay may panlalait at pagmumura pa.
Kung nababasa man ninyo na pro Duterte ang aking mga post at nababatikos ko ang kabilang partido,
deep inside mas nakakita o nakakakita kasi ako ng “big changes” na ginagawa ang administrayon ngayon. I supported President Rodrigo Duterte’s war on drugs kaya ko siya ibinoto. His Build, Build, Build Program. His
independent foreign policy. His support and regular visit as a
Commander in Chief to our police and soldiers. His sincere sympathy to our
lost soldiers and policeman who offered their lives in Marawi City siege. His sensitiveness. His political will. The purging that
he did to his corrupt appointees and his quick decision of kicking them out of their
office. May matalas na pang-amoy si Presidente Duterte and he can smell kung
may nangangamoy siyang cabinet official and other appointees in the
government. President Noynoy Aquino have
“no balls” doing this. Ang mga “patay na langaw” sa kanyang
administrasyon ay pinanatili at inampon niya until the last days of his terms,
kaya maraming nakulimbat sa kaban ng bayan bago sila nanaog sa puwesto.
Sa
ngayon, may mga opposition (Yellowtards and Leftist) na si president Duterte
naman ang inaatake. Ang masasabi ko lang, santambak mang akusasyon (corrupt,
mass murderer, etc) ang ibato sa kanya, to me, those were just an allegation. Without
any proof na si Digong ay naakusahan and already convicted of murder or
corruption in final judgment in any court of law, mananatiling political
propaganda lang ito ng mga kalaban. Besides, ang pinag-uusapan ngayon ay kung
ano ang nagawa o ginagawa ni President Digong bilang lider ng ating bansa. Hindi
‘yung noong Mayor pa siya ng Davao. Kung ang pananaw kong ito tungkol sa
Duterte administration ay mababago tanging ang mga mangyayari sa hinaharap ang
makapagsasabi. President Rodrigo Duterte have still, a remaining of 5 years to
prove his worth at sa nakikita ko, his administration was in the right track.
Hindi ‘yung imbento lang ng “bugok”
na speech writer ni Noynoy Aquino na “tuwid
na daan”.
No comments:
Post a Comment