Tuesday, October 24, 2017

What is the Proximate Cause of Horacio “Atio” Castillo's Death?

Aegis Juris Fraternity Members

Kapag may nasasawi sa hazing, hindi ko tuloy maiwasang alalahanin na minsan ay muntik na rin akong makaranas ng ganito noong late 80’s. I was a freshman law student at MLQU School of law then kaya takaw-ligaw ang mga frat members na rekrutin ako. Hindi raw ako makaka-survive as a law student kung hindi ako aanib sa frat. Then, inisa-isa nila sa akin ang mga advantages na makukuha ko as a frat member. Dahil masigasig ang ka-klase kong member ng Mu Kappa Phi Fraternity napa-oo niya ako, kaya itinakda ang araw ng aking initiation. Medyo kabado ako noon dahil naririnig kong may bugbugan nga raw na nangyayari sa hazing pero dahil  tiniyak ng ka-klase ko na as a law student, more on mental daw ang isasagawang initiation at hindi pisikal. So, naniwala naman ako.

Dumating ang takdang araw at oras ng initiation ko. After our class (8:30 PM), niyaya na ako ng ka-klase ko sa madilim at likurang bahagi ng school namin. Dito pala gagawin ang initiation sa amin (may lima pa kasi akong nakita doon). I recall na madamo at may tanim pang saging sa likod ng elementary building ng MLQU. Ito kasi ang ginagamit ng mga law student noon na sa gabi nag-aaral. Dahil working student ako at night shift ang schedule ko sa trabaho, ito ang ginawa kong dahilan para makiusap na ipagpaliban muna ang aking initiation. Hindi naman nila ako pinilit pero bago ako umalis, inatasan ng isa sa member ng frat na binyagan daw muna ako. Dalawang ang sumabay at nagdahilan na rin. isa sa kanila ay pulis pa nag-aaral din ng law.  Pinatayo kaming tatlo na magkahilera. Tatlong malalakas na palo sa aking binti at hita ang aking naramdaman kasabay ng pagtawag sa akin ng “Barok”. Ganito rin ang ginawa sa dalawa kong kasama pero ibang pangalan ang itinawag sa kanila. Noong una, hindi ko naramdaman ang sakit ng pagkakapalo sa akin pero kinabukasan nakaramdam ako ng kirot. Nang tingnan ko ang aking binti at hita, kitang-kita ko ang nangingitim at bumakat na latay dito. Mula noon kung ano anong alibi na ang ginawa ko sa pangungulit ng ka-klase ko kung kailan daw ako pare-reschedule uli sa initiation ko, Kalaunan, nagsawa rin siya but I survived and reached my senior years as a law student.

Kahapon, napanood ko sa isang TV news na tila ang ginagamit ngayong depensa ng mga member ng Aegis Juris Fraternity para sila makaligtas sa pananagutan sa kamatayan ni Horacio “Atio” Castillo ay ang di umano’y sakit nito sa puso (heart enlargement) at hindi ang ginawa nilang hazing. Bakit daw hindi ito inilagay sa report ng mga pulis at tila gusto raw itong pagtakpan.  Dahil dito. Napilitan akong muling buklatin ang aking law books at rebyuhin kung merong basehan ang contention na ito na pinalulutang ng abugado ng mga member ng Aegis Juris at suspect sa kamatayan ni Atio Castillo.

Tila absent sila ganoon din ang kanilang “bopol” na abugado na Article 4 of the Revised Penal Code clearly provides that “Criminal liability shall be incurred by any person committing a felony although the wrongful act done be different from that which he or she intended.” Kung totoo man na may sakit sa puso si Atio Castillo nang isagawa sa kanya ang hazing, ang pagpapahirap at pambubugbog na ginawa sa kanya ng mga member ng Aegis Juris during his initiation is the “proximate cause” which triggered to his death. So, anong kabobohan ang pinagsasasabi ni Solano et al at ng mga “abugago” ng mga suspect na hindi sila criminally liable? Alam po ba ninyo mga kababayan at kabalat ko kung saan ibinase ang batas na ito na nakasulat sa ating Revised Penal Code? This is known in the Latin maxim that “He who is the cause of the cause, is the cause of the evil caused.”.  So ano ang dapat ihatol sa mga hinduropot na ito na member ng Aegis Juris na naging proximate cause ng kamatayan ni Horacio “Atio” Castillo? 

GUILTY your honor.


No comments:

Post a Comment