Wednesday, November 8, 2017

A Lesson to President Rodrigo Duterte’s Appointees in Government

Retired General Dionisio Santiago

Bagamat alam ko na isa sa matinong “worker in government” si Retired Dionisio Santiago na ‘di umano’y pinag-resign ni President Rodrigo Duterte sa kanyang puwesto sa Dangerous Drug Board, naiintindihan ko rin ang punto o rason kaya nagdesisyon ang ating presidente na gawin ito. Sa ginagawa ng mga oposisyon ngayon na “paninira” sa kasalukuyang adminstrayon, kahit anong “mumo” na lang ang malaglag at puwede nilang damputin ay ipinupukol pabalik sa kasalukuyang gobyerno bilang kasiraan. Unfortunately General Dionisio Santiago was one of their victim in cahoots of course with some opposition leaning media entity.

Ang totoo, dapat ay nag-iingat ang mga appointees ni President Duterte particularly kapag sila ay ini-interview ng mainstream media. Maaaring palakihin o gumawa ng scenario ang ilang media entity na pumupulot sa kanilang sinasabi and then, ito mismo ang gamiting “detonating bomb” para siraan ang Duterte administration. It was a lesson that they (appointees) must learn. Kung baga sa isang kaalyadong mandirigma si General Dionisio Santiago ay naatasang ipagtanggol ang kanilang kaharian (administration) kaya hindi dapat ito nagpi-feed ng kahit katiting na “hint” na maaaring gamitin ng kanilang kalaban for their own advantage.

The president is at war now with those “few yellow warriors”, and “leftist chamelions”. They even hired “imported dogs” abroad para siraan ang ating bansa sa international community. Bilang trusted warriors ni President Duterte na ang layunin ay ipagtanggol ang kanyang administration sa mga naninirang kalaban, his appointees is “not at liberty” to air their sentiment or grievances to media. By accepting the appointment to be a worker in government, hindi sila mga private citizen na malayang ipahayag ang kanilang gusto at punahin ang gobyerno na mismong nagluklok sa kanila sa puwesto. Kung meron silang sentimiyento, they have to resign first and then, talk. Sa ganitong paraan lang sila magiging malayang lumipad at kumanta ng anumang tono na gusto nila.

President Duterte is right when he told na sa kanya dapat sinabi ni General Dionisio Santiago ang kanyang hinaing para malaman niya and then “turuan” siya. A gesture of a true and humble leader who knows best for his people and country. Hindi siya nahihiyang magsabi na gusto niyang matuto ng kaalaman sa kanyang itinalaga at mas nakabababang appointee. Ang ayaw lang niya ay ‘yung sa iba niya malalaman ang isang ‘di umano’y pagkakamali nila kung meron man. And being a strong leader who have a political will, kailangang gumawa ng desisyon si President Duterte to remove that worker in government na sa halip na makatulong solusyunan ang problema, ang problemang ito ay idinaan pa sa media sa halip na humingi sa kanya ng audience.

A mistake that capitalized by the hungry dogs (opposition) outside and making it a “big deal” in the eyes of the Filipino people.


No comments:

Post a Comment