Friday, November 17, 2017

Mocha Uson for Senator? No Way.

Presidential Spokeperson Harry Roque
and PCOO Undersecretary Mocha Uson

Bilang isang ordinaryong  botante, malayo pa ang eleksiyon ay nag-iisip na rin ako ng mga posible kong iboto sa Senatorial derby sa 2019 election.  Sa mga incumbent senators ngayon na baka nagnanais pang tumakbo, meron na akong short list. Ganoon man marami ring matatalino at magagaling na outsiders na mapagpipilian. Ang siste, mananalo kaya sila? Kahapon ay nagbanggit na ang partido ng kasalukuyang administrasyon na may napipisil silang posible na isama sa listahan ng kanilang senatoriables. Dito ay dalawang pangalan ang kanilang pinalutang at ito nga ay si former partylist congressman Harry Roque at PCOO undersecretary Mocha Uson.

Kay presidential spokesman Harry Roque, wala akong masasabi. He is a brilliant lawyer na nakasama sa isang party list. Naupo siya sa kasalukuyang posisyon dahil, he used his common sense and that is supporting the present administration na sa nakikita ko ay nasa direksiyon naman ang pamamahala at maraming pagbabagong ginagawa at nagawa na. Sa senado inaakala kong magiging asset siya dito at bilang lawyer, he is more than fit to legislate laws and he can also intelligently participate in many senate inquiries.

Medyo tumaas lang ang isa kong  kilay sa huling pangalang nabanggit. Well, walang masamang tinapay sa akin si Mocha Uson. She is a Duterte die hard supporter and a fighter. Marami rin siyang followers sa blog niya. Ganoon man, kung sa dami lang ng kanyang followers kaya siya isasama sa listahan ng senatoriables dito ako dismayado. Ang senado ay hindi isang upuan lang na “binubutas” sa anim na taong pag-upo. Ito ay isang institution na tinitingala at ang mga nakahanay na upuan dito ay dapat  pinupunan ng mga karapat-dapat na personalidad na kayang pangatawanan ang trabahong kanilang sinumpaan.

Hindi na ba tayo matututo? Ilang termino ang ibinigay kay Lito Lapid et al, na binutas lang ang upuan sa senado at ang bulsa ng taong bayan na nagpapasuweldo sa kanila? Sa mga naka-upo ngayon,  kuntento ba kayo sa performance ni Senator Nancy Binay at sa iba pang naroon na hindi man lang makapagtanong ng makabuluhan kapag may nagaganap na senate inquiry. Dadagdagan pa ba natin sila? In fairness to Senator Paquiao, as I saw his performance, he tried his best to become a good senator. Although he is not as brilliant in throwing questions during the senate inquiries na katulad ni Senator Gordon, he used his common sense. Bukod dito ilang termino rin na naging congressman siya bago umakyat ng hagdan patungong senado.

Although may karapatan ang lahat na tumakbo sa anumang elected position sa ating bansa as long as they are qualified in accordance with the requirements stated in our constitution, Mocha Uson is still a newbie in politics. Siguro ay dapat muna siyang tumakbo bilang isang congressman at dito niya patunayan na kaya nga niya. O di kaya’y hasain muna ang sarili sa mababang kapulungan. But, to elevate herself to to a ladder patungong upper house, hindi pa siya handa.


Expect na magbubutas lang siya dito ng bangko at bulsa ng taong bayan.

No comments:

Post a Comment