Butil ng Buhay
Habang
pabagal nang pabagal ang serbisyo ng MRT at pakonti na nang pakonti ang bagon
na tumatakbo na ipinagdurusa ng libo-libong pasahero, animo “bullet train” naman
na sumipa na ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa ating merkado, courtesy
of the TRAIN LAW na ipinasa sa ating kongreso. Ang problema, tila ang tinamaan
ng husto dito ay ang mga ordinaryo at mahihirap na consumer. Walang problema sa
mga pulis at sundalo, dahil halos dinoble ang kanilang mga suweldo courtesy of
President Duterte, pero ang impact ay mas naramdaman ng mga minimum at wage
earner. Much more doon sa higit na nakararaming padampot-dampot lang kung
makakita ng trabaho, piece meal work at sa mga jobless at nagbibilang ng poste
sa paghahanap ng trabaho. Ang problema, nadagdagan pa ito dahil sa incompetent
at insensitive government official na nangangasiwa
sa Department of Agriculture at National Food Authority (NFA).
Ilang
beses ko nang sinabi na ang dapat binabantayan ng ahensiya at departamentong
ito ay ang presyo ng bigas dahil ito ang nagsisilbing “butil ng buhay” sa mga naghihirap nating mamamayan. Kung
kukunsintihin nila at ipauubaya ang pagtatakda ng presyo sa mga buwaya at
masisibang negosyante ng commercial rice, ala e, para na rin nilang minasaker
ang mga nakararami nating mamamayan na umaasa lang kung hanggang saan aabot ang
kanilang “beinte pesos”. Wala na
itong mabibili kahit kalahating kilo ng bigas para sa kalahating dosenang miyembro
ng pamilya na kumakain sa kanilang mga tahanan. Huwag na nating pag-usapan
‘yung ulam, bigas na lang dahil yung iba ay inilulugaw na lang ito at
binubudburan ng asin.
Ang
pag-amin ng NFA na dadalawang araw na lang ang natitira nilang stock para sa
mga mahihirap na taong umaasa ng kanilang murang bigas ay isang “suntok” at “sipa” sa sikmura nila.
Ibig sabihin nito, ipinauubaya na ang nila ang mga kaawa-awa at nagugutom na
mamamayan sa mga buwitre at buwayang commercial rice businessman. Ito namang
Department of Agriculture ay nakahalukipkip lang ang mga kamay at panay ang
sabi na sapat ang bigas na inaani sa ating bansa. Ang tanong, nasaan ang sapat
na bigas na inaani? Nasa kamay ng mga sinasabi kong buwaya at buwitreng
negosyante ng commercial rice. Kung nasa kanilang mga kamay ito napupunta, ibig
bang sabihin nito ay sa kanila na lang aasa ang mga nagugutom nating mamamayan
na di na halos makabili ng bigas dahil sa presyo nilang itinaas at itinakda?
Ang
kabulukan ng sistema ng administrasyong Noynoy Aquino ay tila nauulit sa
administrasyong Duterte kung ang “butil ng buhay” ang pag-uusapan. Maganda ang
layunin ng “Build, Build, Build” ng administrasyong Duterte at isa ako sa
natutuwa at umaayon dito. Pero por Diyos por Santo naman mga “hijo de puta” kayo, bantayan naman
ninyo at i-maintain ang preso ng bigas sa halagang abot kaya ng nakararaming
mamamayan. Iyong makakabili pa ng kahit kalahating kilo ang kanilang beinte
pesos. Di bale na ang presyo ng ulam dahil puwede na silang magtiyaga na wala
nito, bigas na lang dahil kung mawawala pa ito sa hapag kainan, asin na lang
ang matitira sa kanila at wala nang bubudburang kanin. Na-gets ba ninyo mga
hinayupak kayo sa ahensiyang dapat ay overseer sa problemang ito?
Bilang
isang tao at may Malayang Isip, this is my first “banat” sa administrasyong Duterte. Komentaryo muna ang uunahin ko
at kapag ‘di pa ninyo inayos ang problemang ito, idudulog ko ang hinaing na ito
sa “mas nakatataas.” Hindi kay
President Duterte, o sa Human Rights o International Court, etc. etc.. Gaya ng
aking ginagawa, sasamahan ko na ito ng panalangin para sa Diyos na
makapangyarihan sa lahat para ibagsak ang “tabak
ni Damocles” sa inyo. Ito ang kaibahan sa aking blog. I talked to God thru
my prayer, and expect that something may happen in the end. I don’t lose hope,
and I believed that prayer is “power”.
No comments:
Post a Comment