President Rodrigo R. Duterte
“GOD reads the
soul and not the face. HE hears the thought and not your tongue”
Ito ang matibay
kong pinagbabatayan kung bakit hindi dapat hatulan ng mga ordinaryong tao lang
si President Rodrigo Duterte sa kanyang mga sinasabi at ginagawa. Ang Diyos
lang ang puwedeng humatol sa kanyang mga nilikha dahil ito mismo ang nakasaad
sa talata ng Biblia na pinaniniwalaan nating mga kristiyano. Then, why these “hypocrites” and modern Pontius Pilate
judged him? Who are you to judge him anyway? Dahil sa tinatawag na kamangmangan.
Nasabi ko ito
dahil may ilang matatawag na “idiot”
sa social media na ipina-paskil pa ang larawan ni Presidente Duterte habang
nagdarasal sa loob ng simbahan. Sa kanilang caption ay iniinsulto ito at
kinukuwestiyon ang kanyang ginagawang pananalangin. Yun namang mga nag-comment
ay pang-iinsulto rin ang sinasabi kaya, dito ako medyo napa-isip. How can these
people question the “faith” of an
individual while he or she is praying? Nababasa ba nila ang “kaluluwa” ng isang tao o naririnig ang
“iniisip” nito? Of course not. Diyos
lang ang nakakaalam kung gaano kataimtim at kasinsero ang ginagawang pagdarasal
ni President Duterte. And yet, these modern Pilate laugh at him, making a
mockery of what our president did. Ganito ka-hypocrite ang ilan nating kababayan.
Nagmamarunong pero mangmang sa paningin ng Diyos.
If President
Duterte claimed his GOD is perfect and the GOD of others was stupid. How can we
argue with him? We cannot insist, impose nor force to him that we have the same
GOD. If we told him that because, both of us were Catholic, we have the same
GOD, that’s a wrong perception. Every individual has their own free will, kahit
nasa loob pa sila ng iisang religious organization. Ito ang nagdudumilat na
katotohanan at hindi maaaring sagkaan ng sinuman. President Duterte is a very transparent
individual. Hindi ipokrito dahil kung ano ang kanyang iniisip, ito ang kanyang
sinasabi. Walang ka-plastikan. Hindi siya ang lider na iba ang ginagawa sa
kanyang sinasabi. He is very frank and have a very strong personality. Very
sensitive too. Ang kanyang common sense ay mas mataas pa ang level, kaysa mga
intelihente kuno na nag-aral pa sa abroad.
Maybe, GOD have
a reason of HIS own, why President Rodrigo Duterte became our president now. Ito na rin marahil ang kanyang katugunan sa mas
nakararaming constituents na nagdarasal (kasama na ako) na pagkalooban ang
bansang Pilipinas ng isang katangi-tanging lider na magpapatupad ng pagbabagong
matagal nang inaasam. Sino ba sa ating mga naunang lider ang nagkaroon ng “balls” na seryosong digmain ang salot na droga at kriminalidad. Ang sumibak
ng sumibak sa mga corrupt officials na kanyang in-appoint o itinalaga. Ang
magpatupad ng “Build, Build, Build” program na magpapa-angat sa atin sa
darating na hinaharap upang makahabol tayo sa kaunlaran ng ating mga
kapit-bansang asyano. Ang palakasin at armasan ng hindi segunda-manong kagamitan
ang ating armed forces. Ang kanyang pagpapakita ng simpatiya at pakikiramay sa
mga kapulisan at kasundaluhan kapag ito ay nalalagasan ng buhay. Maging ang mga
“tambay” at mga batang nagkalat sa
lansangan ay pinansin na rin ni President Duterte, insisting na ang pamahalaan
ang pangalawang magulang ng mga ito, and it is the duty of the government to
protect them. Ang mga naging previous leader ba natin particularly ni Noynoy
Aguino (the yellow idol) ay ginawa o naisip ito?
Ang mga ito ang
patunay na lubhang “sensitive” si
President Duterte sa kahit napakaliit na bagay na kanyang nakikita sa
kapaligiran. Tinitiyak niyang gumagawa o nagpa-function ang gobyerno under his
watch. Unfortunately, those anti-Duterte cannot see this. Ang lagi na lang
nilang inaabangan ay ang mga speech ni President Digong, and from there,
pupulot at kukuha sila ng mga mababanggit nitong offensive word, offensive
jokes, o ang kahit simpleng smack sa isang babaeng Duterte supporter na willing
magpahalik, and then, throw it back to the administration. Making a “big issue” out of it. These are the
kind of hypocrite people, yellow trolls, biased media entity and other modern Pontius Pilate and Padre Damaso in
the religious organization, who see and heard nothing but the president’s
mistake.
To those who are
diehard yellowtards, when I prayed to (my) GOD, can you hear my thoughts and
see my soul? Huwag ninyong hahatulan ang inyong kapwa, dahil ang ginagawa
ninyong paghatol sa kanila ang gagawin sa inyo ng DIYOS (ko) kapag kayo’y
hinatulan.